Kabanata 35
Fine! I love you tooValentine's day.
Maaga akong gumising at hindi ko alam kung bakit ako excited.
"Ate!? Andyan na ang boyfriend mo!" Umalingawngaw ang boses ni Michylaine sa buong bahay.
Nag madali naman akong bumaba sa salas at doon ay nadatnan ko ang napaka gwapo kong boyfriend na nakaupo sa sofa. Dumapo agad ang isang palad ko sakin bibig ng makita ko ang bitbit nyang bouquet, malaking stuff toy at chocolates. Parang huminto ang oras at wala na akong ibang makita ngayon kundi si Raizer Ace Gelacio na malaki ang ngisi sakin, habang dahan-dahan nag mamartsa palapit sakin.
"For you, honey" malambing nyang sabi
"Yiiiieeeee!" Nagising ako sa sariling ulirat, dahil sa malakas na tili ni Mich
"T-Thank you!" Shit! Kinikilig kong tinanggap iyong regalo nya.
"Naku, salamat rin iho rito sa bigay mong regalo, ha?" Biglang sabi ni mama na ipinag taka ko
"oo nga kuya, salamat rin dito sa chocolates" masayang sabi naman ni Michy
What? Kung ganoon ay binigyan rin nya ng regalo si Mich at mama? Tsk! Napaka sweet at napaka ma-effort talaga ng boyfriend ko. Ang swerte-swerte ko talaga sakanya.
"Oh sya, kumain na muna kayo bago pumasok"
Matapos kumain ng breakfast ay mag kahawak kamay kami nag lakad palabas kung saan naka park yung motor nya.
"Salamat sa regalo, ha? Hindi man lang kita nabilan ng kahit anong regalo" ngumuso ako
"kiss mo lang naman okay na sakin, ih" pilyo nyang sabi
"tss! Loko ka talaga-"
Natigilan ako ng bigla nyang hawakan ang mag kabilang pisngi ko.
"I'm serious, okay? Dahil wala ng mas tatamis pa sa halik mo"
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngisi ko.
"I love you, honey" wala na yatang mas tatamis pa sa sinabi nya
"I love you too, honey"
Gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi nya. Napapikit ako ng dahan-dahan nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko para ipag lapat ang mga labi namin dalawa. Mabagal at mababaw lang iyon sa umpisa, pero habang tumatagal ay lumalalim ang halik na iyon na nakakapag pawala ng ulirat ko.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...