Kabanata 43
Masolo kaMasaya naman si aunte Rowena dahil may makakasama na sya sa bahay simula ngayon.
"Sige na matulog ka na Safia, bukas ay sasamahan kita sa bagong school mo"
"sige po, aunte kayo rin ho mag pahinga na" sabi ko at nag tungo na roon sa kwarto ko
Isinuot ko ang headphones ko at nahiga na sa kama, saka ako nag simulang makinig nang music rito.
I found the love for me
Darling, just drive right in
And follow my leadWell, I found a girl
Beautiful and sweetOh, I never knew you were
The someone waiting for mePara akong nawala sa sariling ulirat. Namalayan ko na lang na may luha na palang lumalandas ngayon mula sa mga mata ko. Three weeks ko pa lang syang hindi nakikita pero aaminin ko na namimiss ko sya. Shit! Namimiss ko sya kahit hindi na dapat. Namimiss ko parin sya kahit ang sakit sakit parin ng mga ginawa nya. Mabuti na lang talaga at nag desisyon akong umalis na lang dahil kung hindi ay baka hindi ko matiis ang sarili kong puntahan sya.
Simula nung huli kaming nag kita ay hindi na kami muling nakapag usap pa, dahil nag palit na agad ako ng numero, kahit Facebook account ko ay hindi ko na ino-open pa. Maging sa mga kaibigan namin ay wala na rin akong contact. Medyo na gi-guilty nga ako dahil pati sila ay nadadamay pa.
*Kriiing!*
Halos malaglag ako sa kama ng biglang mag ring ang cellphone ko.
Michylaine is calling...
Bakit kaya sya napatawag? Nag kibit balikat na lang ako. Hinugot ko ang headphones mula sa cellphone ko at sinagot na yung tawag nya.
"H-Hello?"
"Hello? Kamusta, ate?"
"Tss! Akala ko naman may hindi magandang nanyare, pero base sa tono mo mukhang wala naman"
"walang masamang nanyare. Hindi ka kase tumatawag kaya ako ng tumawag" grabe! Ang sweet ng kapatid ko.
"wala kasi akong load eh. Saka mahina ang signal" pag dadahilan ko
"Sanay naman ako no! Kahit nung unang tira mo dyan ay hindi ka naman tumawag sakin"
Pa-guilty naman masyado to.
"So, namiss mo na ko?" Pang aasar ko sakanya
"hindi no!" Tss. Kunware pa "actually, may gusto akong sabihin sayo ate, ang sabi ni mama ay wag ko na daw banggitin sayo, pero hindi kase ko mapakali eh"
Kinabahan akong bigla. Minsan ko lang marinig ang seryosong tono nitong kapatid ko.
"A-Ano yon?"
"Wag mong sabihin kay mama na sinabi ko, ah?"
"oo, ano yon?"
"uhmm. K-Kase, ate nung araw na umuwi kami galing dyan, nag punta rito si kuya Raizer"
Nag simula agad bumilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ako nakaimik. Nanuyo ang lalamunan ko. Hinintay ko na lang syang mag patuloy.
"H-Hinahanap ka nya, sinabi ni mama na nag punta ka na nga dyan sa La Union, nung una ay ayaw nyang maniwala, pero nung huli ay naniwala na rin sya tapos tinatanong nya kung saan sa La Union, siguro ay gusto ka ngang puntahan pero hindi sinabi ni mama sakanya kung saan ka sa La Union. G-Gusto mo ba, sabihin ko sakanya kung saan-"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...