Kabanata 6

655 27 1
                                    

Kabanata 6
Okay ka lang?

Isang linggo ang nakalipas, pero hindi parin humupa ang mga isyu. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa headphones ko, bukod kase sa napapakalma nya ko, ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko na kelangan marinig pa ang masasamang sinasabi ng ibang tao tungkol sakin.

"Oh my— "

"Oopps! Sorry." Sabi ng isang babae na nag evil smile pa matapos nya akong sadyang basain gamit ang hose na kanyang pandilig.

Mariin kong kinagat ang labi ko. Sorry? Eh, halata naman sinadya nya. Leche! Agad akong pumihit para talikuran sya.

"Oh, look who's here," Nambilog ang mga mata ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Raizer Ace Gelacio, kasama ng mga alopores nya. "Estudyante ba tong nasa harapan natin o isang basang sisiw?" Dagdag pa nya sabay halakhak ng mahina.

Binaliwala ko na lang ang sinabi nya at mabilis silang tinalikuran.

"Ang bastos talaga! Nakita nyo basta-basta na lang nya tayong tinalikuran." Narinig kong sabi nung babaeng kasama nya, pero wala ako sa kondisyon ngayon para intindihin pa ang mga sinasabi nila.

Agad kong pinunasan ang basa kong mukha at blouse ng makarating na ko sa restroom. Nakaka leche talaga! Kung makatawa pa yung demonyong lalaking yon, eh sya naman dahilan kung bakit nanyayare lahat 'to sakin! I am now a victim of bullying, because of him!

Pumasok ako sa classroom namin kahit medyo basaparin ang blouse na suot ko. Wala naman kase akong baon na extrang damit.

"Oh, miss Corchez, bakit ganyan yung uniform mo?" Tanong ni mrs. Baccay na teacher namin sa Design 1.

"Napagkamalan po kase akong halaman ng isang estudyante sa labas."

Kumunot ang noo ni mrs. Baccay sa makabuluhan kong sagot. "Oh sya, choose your partner may activity tayo."

As usual, syempre wala naman gustong makipag partner sakin.

"Wala ka pang partner?"

Nag angat ako ng tingin sa nag salitang iyon. Agad bumungad sakin ang seryosong ekspresyon ni Lawrence.

"Wala pa—"

"Lawrence!"

Sabay namin nilingon iyon tumawag sakanya.

"Partner tayo, ah?" Sabay akbay ni David sakanya.

"Ha? Pero si S-Safia—"

"May partner na ko." I lied.

"Ah g-ganon ba?" Napapahiya nyang sabi. "Sige."

Sinundan ko ng tingin ang pag martsa nya pabalik sa kanyang table. At least, kahit papano ngayon araw ay may gustong mag alok sakin bilang partner nya, okay na yon kahit sa huli wala parin akong naging partner.

"Pano yan? Ang activity pa naman natin ngayon ay idra-drawing mo yung partner mo, sino ngayon idra-drawing mo kung wala kang partner?" Si Mrs. Baccay.

"Baka pwedeng itong nasa picture na lang ma'am?" Sabay pakita ko ng picture ni Xander sa cellphone ko.

"Teka, parang familiar yang nasa picture"

Mabilis kong itinago ang aking cellphone. "So, pumapayag na po kayo?"

"Oh sya, sige."

"Salamat po ma'am."

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon