Kabanata 39

1K 32 12
                                    

Kabanata 39
Happy Birthday, honey

Nagising ako kinabukasan dahil sa kahol ni Acer. Agad akong bumangon at kinuha sya para yakapin.

"Good morning, Acer! Nagugutom ka na siguro, no? Don't worry, bibili tayo ng pagkain mo"

Naligo agad ako at nag bihis. Pupunta ako ngayon sa groceries para bilan ng dog food si Acer. Sabado ngayon kaya wala rin kaming pasok. Binuhat ko si Acer at bumaba na ng hagdanan. Nilibot ng tingin ang buong bahay.

"Asan yung mga tao rito?" Nag tatakang tanong ko sa sarili ko. Masyado pa kasing maaga para umalis sila. Kadalasan ay ganitong oras kami nag be-break fast. Ibinaba ko muna si Acer, saka ako nag martsa papunta sa dinning area "Ma, pa-"

Napatili ako sa gulat ng biglang may sumabog na confetti sa mag kabilang gilid ko.

"HAPPY BIRTHDAY!"

"Oh my gosh!" Naiusal ko, habang isa-isa silang pinag mamasdan na malaki ang ngisi sakin

Unang lumapit sakin si mama na syang may hawak ng cake "Happy birthday nak" aniya na hinalikan pa ako sa pisngi

"Thank you ma"

"Blow your candle"

Ngumisi ako at tumango sakanila, saka ako pumikit para mag wish.

'sana lagi na lang ganito kasaya'

Matapos kong sabihin yon sa isip ko ay hinipan ko na yung kandila. Pumalakpak pa si Michylaine ng mahipan ko yon.

"happy birthday, my sweetheart" malambing sabi ni papa sabay halik sa noo ko "this is our gift" aniya sabay abot ng malaking kahon sakin

"Thank you pa-"

"Open your gift"

"Okay po"

Masaya kong binuksan yung regalo nila. Napaawang ang bibig ko ng makitang laptop ang laman nito.

"Wow! Thank you po rito" masaya kong sabi

"Oh' sya, kumain na tayo" si mama na inilapag na yung cake sa table

"Happy birthday ate!" Masayang bati naman ni Michy na syang may hawak ng mga lobo. Lumapit pa sya sakin para halikan ang pisngi ko

"Thank you mich" sabi ko bago sya naupo sa dinning table

"Happy birthday, Saf-saf!"

Ngumuso ako kay kuya Gio na syang may hawak ng confetti "kuya naman eh! Naririnig ka ni Raizer" saglit ko pang sinulyapan si Raizer na malaki ang ngisi sakin

"at least, alam na nya ang nick name mo" pang aasar nito na hinalikan rin ako sa pisngi, tapos ay dumeretso na rin sa dinning table

"Thank you kuya" pahabol ko, saka nag baling ng tingin kay Raizer na may hawak rin confetti

"Happy birthday, honey!" Aniya na mabilis akong hinalikan sa labi

Awtomatiko akong napatingin sa dinning table. Mukhang wala naman sakanila ang nakakita sa ginawa ni Raizer, dahil busy silang lahat.

"Ikaw talaga" bulong ko sakanya "Thank you- Tara kumain na tayo-"

"Wait"

Kumunot ang noo ko "bakit?"

"eto pala regalo ko" may kinuha syang paper bag sa gilid nya

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon