Kabanata 12
I'm happy for youNag angat ako ng tingin sa screen at hinintay ang paglabas ng lyrics doon, kahit kabisado ko naman na ang kanta...pero bakit ba itong kanta pa talaga na'to yung pinili nya? Gusto ba talaga nya ko umiyak dito?
Do you remember how it felt like?
I still remember how the days,
that end, the weeks and monthsWe were together for so long
I haven't noticed,
that we're falling down too fastIf I could take it all back.
Maingay sa game zone na ito pero rinig parin ang pag kanta ko dahil sa malakas nitong sounds, kaya may iilan na rin ang nanuod sa pagkanta ko.
If I could hear and if I could see
If I could hold on to your hands
once againI wanna go back to
the way we used to beI wanna feel your skin,
your lips so close to meI wanna go back when
I called you mine all the timeEvery smile and every moment.
Napapikit ako at dinama ang bawat liriko ng kanta. Feeling ko ginawa ang kantang ito para sakin. Na parang lahat na ng gusto kong sabihin ay nasa liriko nito.
If only I have (If only I have)
a time machine.If only I have a time machine.
May narinig akong mga nag palakpakan ng kantahin ko ng punong-puno ng emosyon ang huling lyrics ng kanta. Dahan-dahan akong nag mulat ng mga mata na ngayon ay nanlalabo na, dahil sa mga luhang nag babadya na naman. Tumayo ako at pasimpleng pinahid ang luha sa mata ko. Pababa na ako ng maliit na stage ng tumama ang paningin ko sa isang pamilyar na lalake. Napakurap at napalunok ako. Mukhang hindi ako namalik mata.
SI RAIZER ACE GELACIO NGA! Oo, sya na naman. Sya na lang lagi. Walangya, bakit ba andito rin sya?!
Nakatayo sya rito sa mismong tapat ng stage. Deretso ang tingin nya sakin, gamit ang seryosong-seryoso nyang ekspresyon. What's wrong with him? Ako na ang nag-iwas ng tingin sakanya. Ang awkward.
"Grabe, napaka galing mo ate. Ang daming humanga sa ganda ng boses mo kanina, yung iba ni-videohan ka pa—"
"Tara na." Putol ko sa sinasabi nya.
"Ha? Saan?"
"Uuwi na, tara!"
Ngumuso sya at wala ng nagawa kundi sumunod na lang sakin. Paglingon ko ay wala na si Raizer sa kinatatayuan nya kanina. Hinanap sya ng mga mata ko, pero talagang wala na sya. Ano yon multo?
Panay ang lingon ko, habang nilalandas namin ang daan palabas ng mall. Iisipin ko na lang talaga dapat na multo lang yung nakita ko, kaso kamalas malasan nag aya pa itong si Mich mag c.r muna, at doon mismo sa labas ng c.r ay nadatnan namin si Raizer na nakasandal sa pader, habang nakapamulsa ang dalawang kamay nya.
"Hintayin mo na lang ako rito ate, saglit lang ako."
"Teka, sasama—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nakaalis na sya.
Ihing-ihi ang puta! Lumipat ang tingin ko kay Raizer na tila kanina pa nanunuod sa pag-uusap namin ng kapatid ko. Nakakunot ang noo nya na para bang inaalala nya kung saan nya ako nakita? Abnormal talaga! Binigyan ko lang sya ng nag tatakang tingin. Nakakainis yung ekspresyon na pinapakita nya ngayon. Leche!
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...