Kabanata 26
Para sayo"Basta wag na wag kang lalayo sakin. Magiging safe ka, basta nasa tabi kita"
"Basta wag na wag kang lalayo sakin. Magiging safe ka, basta nasa tabi kita"
'Basta wag na wag kang lalayo sakin. Magiging safe ka, basta nasa tabi kita"
"Basta wag na wag kang lalayo sakin. Magiging safe ka, basta nasa tabi kita"
"Basta wag na wag kang lalayo sakin. Magiging safe ka, basta nasa tabi kita"
Para akong kinakabag dahil sa mga paru-parong nag diriwang ngayon sa loob ng aking tiyan. Habang paulit-ulit sa pandinig ko ang mga sinabi nya. Tinignan ko ang kamay naming mag halukipkip. Hindi ko alam kung bakit, pero sa simpleng pag hawak lang nya sa kamay ko, feeling ko napaka safe ko. Na walang kahit na sinong pwedeng manakit sakin.
"Bilisan nyo, kayo na lang hinihintay" sabi ni Ms. Garnace na napatingin pa sa kamay naming mag kahawak
Uminit tuloy ng husto ang pisngi ko.
"Sorry ma'am" sabi ni Raizer at hinila na ko papasok sa bus
Bakas ang pag kagulat sa mga ka-klase ko ng makita kaming mag kahawak kamay parin ni Raizer. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko ng tangkain kong bawiin iyon sakanya. Kaliwa't-kanan ang naging bulungan. Lahat may negative comments. Syempre, makita ba naman nila ang pinaka mamahal nilang U-Prince na ka-holding hands ang weirdong katulad ko, hindi ba naman sila magagalit?
Binitawan na nya ang kamay ko ng makaupo na kaming dalawa. Hindi ko sigurado kung nagustuhan ko ba ang pag bitaw nya rito o hindi.
"Ayos ka na ba?"
Nilingon ko sya. Bakas parin ang pag aalala sa mata at tono ng pag sasalita nya. Bakit ba sya ganyan? Nag aalala ba talaga sya sakin o naaawa lang sya sakin?
"A-ayos na" nag iwas ako ng tingin at nag baling na lang sa bintana
"Eto isuot mo"
Awtomatiko ulit akong napalingon sakanya. Tinignan ko ang hawak nyang hoodie.
"Huh?"
"Masyadong malakas ang aircon, baka lamigin ka, isuot mo muna 'to"
Eh? Ano bang nakain nito? Bakit biglang naging sobrang bait?
"w-wag na, b-baka ikaw naman ang lamigin-"
"I'm okay, mas importante ka-"
Parehas kaming natigilan sa sinabi nya. Kumalabog na naman ng malakas itong traydor kong puso.
Bigla ay nameke sya ng tawa "g-ganyan talaga kabait at ka gentleman a-ang U-Prince nyo"
Weh?
"o-okay, thanks" tinanggap ko na lang, ayoko naman mapahiya sya tutal ay nag yabang na rin naman sya
Ngayon ay naka white t-shirt na lang sya. Hindi sa manyak ako pero talagang nag f-form ngayon sa t-shirt nya ang abs at muscles nya.
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
أدب المراهقينRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...