Kabanata 42
MakarecoverNaalimpungatan ako isang araw dahil sa ring ng cellphone ko. Kinusot ko ang mga mata ko at agad sinagot iyung tawag.
"H-Hello?" Antok pa talaga ko
"Good morning, honey"
Nawala talaga ang antok ko ng marinig ko ang boses na yon.
"Good morning" malambing kong sagot sakanya
Isang linggo ang nakalipas. Simula nung bumalik kami galing sa bakasyon ay halos araw-araw parin kami nag kikita. Minsan ay dumadalaw ako sakanila, minsan naman ay sya ang dumadalaw rito sa bahay.
"3 pm susunduin ko kayo ni Michy. Manuod tayo ng cine?"
"Bakit alas tres pa?"
"may inuutos pa kase sakin si mama, basta tatawagan kita kapag papunta na ko, okay?"
"okay, ingat ka"
"sige. I love you"
Kinagat ko muna ang pang ibabang labi ko bago sumagot sakanya.
"I love you too" yun lang at ibinaba ko na ang linya
Pag baba ko ay dumeretso na agad ako sa dinning area. Nadatnan ko si Michylaine roon na nag aalmusal mag isa, kaya naupo ako sa tapat nya para sabayan sya sa pag kain.
"Tumawag si Raizer sakin kanina, inaaya nya tayong manood ng sine mamaya-"
"talaga ate? Anong oras daw?" Halatang excited sya
"mga 3 pm raw"
"ha? Eh' bakit 3 pm pa? Hays! Ano ba yan, malas naman!"
Kumunot ang noo ko "bakit?"
"birthday ng classmate ko mamaya. 4 pm nya kami ni-invite. Kung mga 1 pm sana tayo manunuod ay pwede pa"
"oh' edi humabol ka na lang sa birthday ng classmate mo-"
"Hindi pwede!" Tumaas ang tono nya. Abnormal din talaga eh! "pupunta rin kase yung crush ko, kaya gusto ko on time ako pupunta para matagal ko rin makasama yung crush ko" kinikilig pa sya. Maharot rin talaga tong kapatid ko eh!
"Edi wag ka nang sumama samin" inirapan ko nga "mas okay yon para makapag date kami ng maayos ng boyfriend ko"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...