Kabanata 27
Good night"Ate! Ate!"
Nagising ako sa malakas na boses ni Mich kinabukasan. Ang aga-aga sumisigaw. Bwesit!
"Ano ba yan!? Ang ingay-ingay mo!" Galit kong sabi
"S-sorry ate, nasa baba na kase yung manliligaw mo"
Whaaaat!?
Napabalikwas ako ng bangon. Sino daw yung nasa baba? Manliligaw- shit! Mabilis kong kinuha ang tuwalya ko at dumiretso agad sa banyo. Five minutes lang yata ang nailagi ko sa pag ligo dahil sa pag mamadali ko. Nag suklay lang ako saglit ng buhok, nag polbos, liptint at perfume tapos ay bumaba na agad ako.
Nag simula ng gumapang ang kaba sa buong sistema ko ng madatnan ko ang buong pamilya ko na sabay-sabay nag be-break fast kasama si Raizer!
"She's here" narinig kong sabi ni mama
Nakangiti akong nilingon ni Raizer. Tumayo sya at lumapit sakin dala ang isang bouquet of roses.
"For you" ang ganda-ganda ng ngiti nya. Shit! Kakaiba ang awrang meron sya ngayon
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag kawala ng kilig rito. Hindi ko alam kung tama bang kiligin ako ng ganito sa harapan ng pamilya ko pero, shit! Talagang kinikilig ako.
"Ehem!" Napatalon ako sa ubo-ubuhan na iyon ni papa. Uminit ng husto ang pisngi ko dahil ngayon ay nasamin na ang tingin nilang lahat
Oh my gad! What I'm going to do?
"Hindi mo man lang ba ipapakilala ang bisita mo?" Ma-awtoridad na tanong ni papa
Oo nga pala, nung gabing sunduin ako ni Raizer ay wala si papa.
"A-Ah.. ma, pa, kuya Gio, Michy- si Raizer Ace Gelacio po" nag baba ako ng tingin dahil sa hiya
"Manliligaw po nya"
Awtomatiko akong nag angat ng tingin kay Raizer na ngayon ay malaki ang ngiti sa pamilya ko. What the heck!
"Gaano mo na katagal nililigawan ang anak ko?" Tanong ulit ni papa
Hindi pa ako pumayag papa, pero tulad nga ng sabi nya sa ayaw at gusto ko ay liligawan nya ko. Kaya mukhang wala na kong magagawa. Huhuhu!
"Kung papayagan nyo po akong manliligaw ngayon ay magiging official na manliligaw na po ako ni Safia"
Napamaang ako sa naging sagot nya. Hindi ko maiwasan humanga sa paraan ng pakikipag usap nya sa pamilya ko. Aba! Akala ko ba ay first time nyang manliligaw? Eh' bakit parang sanay na sanay din sya pati sa panliligaw sa parents ng nililigawan nya?
Nilingon ko sila papa para tignan ang naging reaksyon nila. Tatango-tango si papa, habang..
NAKA NGISI? Seryoso? Si papa nakangisi sakanya? I mean, silang lahat!
"Bihira na ang lalaking katulad mo, nakakahanga ka iho"
Eh?
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...