Kabanata 23
Matulungan kita
Hindi na muna ako sumabay kela Kazel na mag lunch. Natatakot kase ako na bigla rin sumabay si Raizer sakanila. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi ko pa sya kayang harapin sa ngayon, dahil lang sa mga sinabi nya na hindi ko naman alam kung totoo ba o trip lang talaga, pero iba talaga ang naging epekto non sakin. Sobrang takot. Natatakot ako na baka pag nag patuloy o baka pag lumala ang lintik na feelings na ito ay magawa kong kalimutan si Xander. Hindi iyon kasama sa plano ko. Hindi ko kaylanman gu-gustuhing manyare yon. Hindi ko hahayaang umabot ako sa puntong iyon. AYOKO!
Quarter one in a afternoon. Andito kaming lahat nang mga first year B.S Architecture sa sariling gymnasium ng aming department para sa isang announcement. So, ayon nga. Kahit iwasan ko si Raizer makikita ko parin sya ngayon bilang sya nga itong U-Prince Ambassador namin. Useless.
Exactly 1 pm ng dumating si Raizer kasama ang iba pang students council. Pinanuod ko syang umakyat sa stage at tumapat sa mic at nag pakawala ng isang ngiti samin. Shit! Ang gwapo! OMG! Ano na naman 'tong sinasabi ko? Erase. Erase. Erase!
"Good afternoon freshmen" panimula nya. Sheeet! Ang gwapo talaga ih'
"Good afternoon my U-Prince"
"Ang gwapo mo Raizer"
"I love you, Raizer"
"Pakasalan mo ko!"
"Anakan mo ko!"
Tsss! Ang lalantod! Nainis akong panoorin syang ngumisi at umiling-iling dahil sa mga sigawan ng mahaharot na freshmen na ito. Tuwang-tuwa ang loko! Grr. Sinasabi na nga ba, playboy is always a playboy. Raizer Ace Gelacio is always Raizer Ace Gelacio. And I can't do anything about it. Damn!
Bahagya syang natigilan ng mag tama ang mga mata namin dalawa. Sinamaan ko sya ng tingin. Malandi!
"So, we're all here for some announcement about the events in this whole semester" panimula nya na ngumiti pa sa harapan namin, dahilan para mapuno na naman ng tilian ang buong gymnasium. Bwesit! Ang lalandi talaga. "First event is our tour. Every year all freshmen students is required to join the first ever tour in our department. Tulad last year pupuntahan at bibisitahin natin ang pinaka malalaking construction company sa buong Manila. Siguradong marami tayong matututunan roon, lalo na at karamihan sa mga company na iyon ay tumatanggap ng mga apprentice, advantage na para satin yon para makita ang mga ginagawa at trabaho ng mga apprentice, am I right?"
Hindi ko maiwasan sumang-ayon sa sinabi nya. Tama sya, bilang architecture students kami, hindi kami makakapag take ng board exam kung hindi kami mag aapprentice ng dalawang taon, kaya magandang pag kakataon na rin yon para mag karoon kami ng idea about sa mga trabaho ng isang apprentice. Pero teka nga! Bakit ko naman iniisip na mag aapprentice ako? Diba, kelangan ko pang sundan si Xander?
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...