Kabanata 7
End the pain"Okay ka lang?"
Agad akong nag angat ng tingin. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko ng bumungad sakin ang nag aalalang ekspresyon ni Lawrence. Hindi ko na nagawa sumagot pa sakanya dahil masyado akong nagugulat sa mga nanyayare. Nagising lang ako sa sariling ulirat ng maramdaman ko ang pag alalay nya sa mag kabilang balikat ko.
"Tara na—"
Agad naman umalingawngaw ang bulungan sa buong paligid.
"Oh, sino naman kaya sya?"
"Baka boyfriend ni girl?"
"Baka si superman yan? Hahaha!"
Lumipat ang tingin ko sa kamay ni Raizer na ngayon ay naka hawak na sa braso ni Lawrence.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Halos pabulong lang itong sinabi ni Raizer. Bakas ang pagkainis sa tono nya.
"Ako ng bahala sakanya."
"Sino ka ba sa tingin mo para umeksena rito? Boyfriend ka ba nya?"
So, ayon talaga ang pinuputok ng butse nya. Dahil wala na sakanya ngayon ang atensyon ng lahat? Attention seeker!
"Ako ang class president ng buong klase namin, kaya ako ng bahala sakanya. Salamat na lang sa concern mo, MR. U-PRINCE!" Mariin ang pag bigkas ni Lawrence sa huling pangungusap
Wala ng nagawa si Raizer at hinayaan na lang kaming umalis roon. Sa wakas ay nakahinga na rin ako ng maliwag.
"Ayos ka lang ba—"
"Salamat." Hinubad ko yung jacket para isauli sakanya.
"Okay lang, gamitin mo muna yan—"
"Okay na ko, hindi ko na yan kelangan. Salamat na lang. Mauuna na ko."
"Pero—" Bago pa sya makapag patuloy ay tinalikuran ko na agad sya.
Xander. Xander. Xander!
Eto na naman ako. Para na naman akong baliw na nag de-day dream ng tungkol kay Xander. Kung andito lang si Xander hindi nya sana hahayaan mapahiya ako ng ganoon sa harapan ng madaming tao. Hindi nya sana hahayaan na may mang bully sakin. Sya sana ang kasama ko ngayon. Sya sana ang nag tatanggol sakin. Sya sana ang hero ko. Sya sana ang nag co-comfort sakin ngayon. Masaya sana ko. Masaya sana kami. Sheeet! I badly missed him.
"Oh, look who's here, again."
Nag angat ako ng tingin at agad bumungad sakin ang maala demonyong ngisi ni Raizer Ace.
"Hindi mo yata kasama ang hero mo? Na werduhan siguro sayo kaya iniwan ka rin nya."
Binaliwala ko ang malakas na pag halakhak nya. Umiling ako at nilagpasan na lang sya. Talagang specialist nya ang mang badtrip ng iba.
"Hoy! Kinakausap pa kita!"
Napatigil ako sa pag martsa dahil sa pag taas ng tono nya. Nag buntong hininga ako at nilingon sya.
"Bakit mo ba ginagawa 'to?"
"Ang alin?"
Aba naman talaga! Painosente pa ang loko!
"Nag babait-baitan ka sa harapan ng ibang tao para lang maging maganda ang image mo, but you are just a two-faced jerk."
"Oh, ang sakit mo naman masyado mag salita," Sinapo nya ang dibdib nya at umarteng nasaktan. "Hindi ko alam na may pag katalas pala yang dila mo—"
BINABASA MO ANG
U-Prince: Forget Him (Series 3)
Teen FictionRaizer Ace Gelacio also known as a two-faced jerk is the most playboy, womanizer and manwhore U-Prince Ambassador from the faculty of Architecture. He never had a serious relationship, because he loves to play around with the girls. (with his newbie...