Kabanata 15

716 23 1
                                    

Kabanata 15
Inviting you

"Safia?" Agad hinanap ng mga mata ko yung pinanggalingan ng boses na yon. Mabilis ko naman nakita si Kazel na kumakaway sakin, kasama ang kanyang asawa. Sinenyasan nya akong lumapit at napapahiya naman akong tumango at ngumiti sakanila. "Sumabay ka ng kumain samin."

"Naku, wag na nakakahiya naman—"

Tumayo si Kazel at hinawakan ako sa balikat para alalayan sa pag upo. "Wag ka na ngang mahiya, sige na sumabay ka na."

"S-Salamat. Wala yata yung mga k-kaibigan nyo?" Pagtukoy ko sa tatlong U-Prince.

"Oh speaking of the devil," Natatawamg wika ni Liam. "Hoy, dito!"

Pinigil ko ang paghinga ng maramdaman ko ang pag lapit nila.

"Akala namin umuwi na kayo." Ani Brex.

"Alam nyo naman bawal pa." Sagot ni Liam.

"Pwede makiupo?"

Napatalon ako ng bigla akong kausapin ni Axel. Tumango lang ako sakanya at naupo na sya sa tabi ko, habang sa kabilang side naman si Brex. Mukhang wala yung isa?

"Si Gelacio?" Tanong ni Liam.

"Ayun oh," Ngumuso si Brex sa bandang dulo nitong cafeteria. "Kasama yung Mary Jane yata yon—"

"Oh, sinong Mary Jane naman yon?"

Nagkibit-balikat si Brex. "Newbie siguro." Tapos ay humagikgik ito ng tawa.

Tss! Babaero talagang tunay. Tahimik lang ako maging si Kazel, habang nag ku-kwentuhan sila. Paminsan-minsan ay sumasagot lang kami kapag may tinatanong sila.

"Gelacio?" Biglang tawag ni Brex sa kaibigan.

Shit!

Kainis talaga! Paalis na tinawag pa kase! Nagmamadali naman itong lumapit sa table namin.

"Andito pala kayo."

"San ka pupunta?" Usisa ni Liam

Ngumisi sya ng malaki. "Sasama kela Mary Jane—" Pinagpawisan ako ng malamig ng biglang mag tama ang mga mata namin dalawa. "Aba! Andito ka pala, ah? Ano, masaya ka na ba at nakita mo na ko?"

What the heck?

Talagang hanggang dito ba naman mang-aasar sya?! At nakakaasar namang talaga ang mga pinag sasasabi nya! Irap lang ang naging sagot ko sakanya. Siraulo talaga.

"Wag mo na ngang asarin itong si Safia." Suway Kazel na nginisihan pa sya.

"Oh, sorry naman—oh sya sandali lang magpapaalam lang ako kay Mary Jane, babalik ako."

"Eh, bakit naman iiwan mo na agad ang Mary Jane mo?" Binigyan sya ng nakakaasar na ngisi ni Brex.

"Medyo boring don, mas mag eenjoy ako rito." Hagikgik nya ng tawa.

Letche! Wag ka ng bumalik!

Maya-maya nga ay bumalik na ang mokong! Naupo sya sa tabi ni Liam na nasa tapat naman ni Brex.

"San pala tayo after nito?" Tanong ni Axel.

"Edi tulad ng utos satin, kelangan mag ikot-ikot tayo sa buong Campus." Si Brex ang sumagot.

"Ikaw love? Gusto mong umuwi muna?" Baling ni Liam sa asawa.

"Wala rin naman akong gagawin sa bahay, sasama na lang ako sainyo—kami ni Safia." Pagbaling nya sakin.

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon