Kabanata 19

742 24 0
                                    

Kabanata 19
Newbie

Lumipas ang semester break naging busy na ang lahat dahil nag simula na ang enrollment para sa second semester. Maaga pa lang ay nakapila na ako, kung mag papalate kase ako, I'm sure aabutin ako ng hanggang hapon sa pag pila rito.

"Oh my gosh! Ang ga-gwapo."

Halos mabingi ako sa lakas ng tilian ng mga babaeng narito rin sa pila. Agad hinanap ng paningin ko ang dahilan ng ingay nila at mula rito ay natanaw ko si Ruwesha at Heduey, kasama si Brex at Raizer!

Hindi ko alam kung bakit, pero talagang kinabahan ako ng makita ko ulit si Raizer Ace. Napapalunok akong nag iwas ng tingin sakanila. Pinilit kong itago ang sarili ko, hindi ko kase alam kung pano mag rereact pag nag kita kami. Ewan! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko.

"Ang ga-gwapo talaga nila!"

"Huy! Wag kayong maingay andyan si Ruwesha."

"Tss! Eh may Raizer Ace Gelacio pa naman."

"Uy, si Safia," Rinig kong sabi ni Heduey. Naloko na! "Safia?" Tawag ni Heduey sakin, at imposibleng hindi iyon narinig ng lahat sa lakas ng boses nya.

Shit! Shit! Shit!

Dahan-dahan kong pinilig ang ulo ko at nilingon sila napalunok ako ng makita ko ang deretsong tingin ni Raizer sakin. What wrong with him? Damn it!

"Hi Safia." Si Heduey. Sa lahat talaga ng mga nakasama namin nung birthday ni Liam, itong si Heduey ang pinaka makulit at masayahin. Talagang kinakausap nya kahit first time lang nya nakilala.

"Hi." Hilaw ang naging ngisi ko.

"It's been a week." Ngumiti rin si Ruwesha sakin. Si Ruwesha naman yung katatakutan mo sa unang kita mo sakanya, dahil halata sakanya ang pagiging palaban at pagiging mataray. Base na rin siguro sa unang beses ko syang makaharap, nung pinag tanggol nya kami ni Kazel. Pero pag nakilala mo sya talagang mabait naman sya.

"Oo nga eh-"

"Assessment ka pa lang?" Biglang tanong ni Brex.

"Oo, eh," Nahihiya kong sabi. "Kanina pa nga ako dito, pero parang hindi gumagalaw yung pila-"

"Akin na yan."

Napatalon ako sa gulat ng biglang agawin ni Raizer ang hawak kong grades at schedule.

"Uy! Ano ba!" Galit kong sabi.

Mariin nya pa itong pinag aralan bago sya nag martsa papunta sa pinaka unang pila. Hindi ko na nagawa pang mag paalam sa tatlo, basta sinundan ko na lang si Raizer.

"San mo ba yan dadalin?!" Inis ko talagang sabi. Kainis! Pinag titripan na naman ba nya ko.

Hindi nya ako sinagot kaya lalong nag alab ang galit sa sistema ko. Wala na ko pakialam kung pag tinginan man kami o kung ano man isipin ng iba.

"Akin na nga yan grades ko! Ibalik mo na-"

Natigilan ako ng bigla syang kumatok doon sa mismong pintuan kung saan nag papa-assessment ang mga estudyante.

"Dito ka lang."

"Huh? Bakit-" Hindi na nya ko pinatapos at pumasok na agad sya roon sa loob.

Kainis sya! Ano bang ginagawa nya? Sa bintana lang dapat nag papa-assessment, ah? Bakit pumasok sya sa mismong office? Tsk! Lalo akong mag tatagal nito, eh!

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon