Kabanata 36

959 28 5
                                    

Kabanata 36
Bye Honey

Maaga akong nagising kinabukasan para kunin sa patahian iyung dress na pinatahi ko. Agad ko itong isinukat pag kuha ko.

"Wow! Ang ganda-ganda naman ng dress mo ate" papuri ni Michylaine, habang tinatignan ang kabuuan ko

This rose gold cocktail dress is paneled skirt, haltered top, ruffled sleeves, and one inch above the knee.

Totoong maganda itong dress, kaso hindi ko sigurado kung bagay ba sakin.

"Ako ng bahalang mag ayos sayo mamaya. Aayusan kita ng maganda ate"

"Sige, may tiwala ako sayo"

Sabado ngayon kaya wala silang pasok. Saktong-sakto, pero anyway, 7 pm pa naman ang start ng student's night at 10 am pa lang naman kaya kelangan muna mag trabaho ng gawaing bahay.

Nang hapon din yon matapos kong maligo ay inayusan agad ako ni Michy.
Ikinulot nya ng maliliit at paalon-alon ang buhok ko, maging ang bangs ko ay bahagya nyang ikinulot na parang naging korean style.

"Wow! Ang ganda-ganda naman ng anak namin"

Napatingin agad ako sa nag salitang yon. Napangiti ako ng makita si mama at papa katayo roon sa pintuan.

"Bagay po ba?"

Umikot ako para ipakita sakanila ang kabuuan ko.

"Sobrang bagay anak" si mama na nang gigilid pa ang luha "ang ganda-ganda mo"

"Ma, bakit parang naiiyak ka naman?" Lumapit ako para yakapin sya

"Masaya lang ako dahil nakikita kong bumabalik ka na sa dati"

Thanks to all of you and to Raizer Ace Gelacio.

"Safia, andito na yung date mo" narinig kong sigaw ni kuya mula sa baba

"Andyan na yung sundo mo, bumaba na tayo" si papa

"Okay po"

Sabay-sabay kaming nag martsa pababa. Nadatnan namin si Raizer na nakaupo roon sa sofa. He's wearing a color gray suit na talaga naman'g bumagay sakanya. Shit! Ang gwapo-gwapo ng boyfriend ko. Napaka swerte ko talaga.

"She's here" narinig kong sabi ni kuya

Uminit ang pisngi ko ng makita ko kung paano nyang pasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"S-Sorry, kung medyo natagalan"

"You're gorgeous. Ang ganda-ganda mo"

U-Prince: Forget Him (Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon