GUMUHIT ANG KIDLAT SA MADILIM NA KALANGITAN. Napatingala na lang si Bree habang yakap ang sarili. Panay ang lingon niya kasi nag-aabang siya ng pwedeng masabayang sasakyan.
As usual, wala man lang humintong kotse para sa kanya. Who would anyways? Ang dami-dami ngang guests sa birthday party ni Senator Pereira, eh kung karamihan naman sa kanila'y may kasamang mga date o asawa, malabo nang makasakay siya.
Bree knew her reputation. Majority of the women despised her.
Malandi raw kasi siya, pa-sexy, at mahilig magsuot ng mga malalaswa.
Ano ba ang ine-expect nila sa sexy star? Laging naka-long sleeves?
Ugh.
Napabuntong-hininga na lang siya. Kailangan niyang makapag-isip ng paraan kung paano makakauwi. Never niyang lalakarin mula sa mansyon ni Senator Pereira hanggang sa labas ng subdivision.
Either na mapudpod ang takong ng suot kong heels, o 'di kaya kalyuhin naman ako sa paa.
Nakarating lang naman kasi siya sa party na iyon dahil kasama niya si Manager Ken. Eh nagkasagutan sila kanina dahil panay daw ang irap at parinigan nila ni Kristi Toletino, na artista rin na tulad niya at invited sa party.
Ako pa. Ako pa talaga ang pinagalitan niya. Never ba siyang aware kung sino ang nauna? I just returned the favor.
Masama pa ang tingin ng Kristi na iyon sa tube dress niyang may sweetheart neckline. Ito 'yung klase ng neckline na paborito ni Bree kasi sumusunod daw sa hulma ng boobs niya. Perfect. Tapos nakakaputi pa lalo 'yung navy blue na kulay. May kasama itong gloves na hanggang siko.
Tuloy-tuloy na ang naging pagpatak ng ulan. Option niya sanang maglakad pero paano kung pouch lang ang dala niya?
Nakakainis talaga ang baklang Manager Ken na iyon!
Fine. I finally made a decision. Maglalakad siya ng paunti-unti. Hanggang sa kung saan may silong, doon siya maglalakad. Kapag tumila ang ulan, maglalakad siya ng mas malayo. Sisilong kapag bumuhos na naman ang ulan.
Biglang kumulog.
Napapiksi si Bree. She hugged herself tighter, squishing her boobs. Napalabi tuloy siya. Kulang na kulang pa ang braso niya para matakpan lahat ng exposed niyang balat. Ang baba rin naman kasi nung pagkaka-backless ng dress niya. Ang ginaw tuloy ng likuran niya.
She walked in a mince along the side of the mansion toward the gate.
Siyang tutok ng headlights ng isang kotse sa kanya.
Bumagal ang andar ng sasakyan at huminto sa tapat ni Bree. Napatigil tuloy siya sa paglalakad. She needed to caress my straight black hair to cover her chest.
Bumukas ang pinto ng kotse.
"Hey, it's raining," silip sa kanya ng isang lalaki. "May hinihintay ka pa ba diyan?"
Bree gave him a bored look. Obvious naman sigurong naglalakad siya. Ibig sabihin, aalis na siya at walang hinihintay. Kung may hinihintay man siya, nakatayo lang siya. Oh, but never mind. Baka sigurista lang ang lalaki. She released a sigh.
"I don't think dadating na ang sundo ko, Mr. President."
Yes, she just called him Mr. President. Hindi dahil sa siya ang bet niyang manalo sa Presidential elections. She just thought that would please him.
At tama nga siya. Sumilay na ang ngisi sa mga labi ng binata.
Bree took that as an opportunity to stare at Virgo Kristofer Ferdinand. Sobrang nakakalalaki ang pangalan. Lalaking-lalaki rin ito sa suot na dark blue suit. Short-trimmed ang itim na buhok. May kakapalan ang mga kilay, may talim kung tumitig. Disiplinado kumilos kanina sa party kaya maginoo tingnan.
BINABASA MO ANG
Slide
Ficción General[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...