Chapter 64: Safety

23K 558 90
                                        

NAUNA SI BREE sa pagtawid sa sapa na iyon. The chill in the air because of the after-rain gave her goosebumps. The dark blue skies were slowly paling into a brighter light. Lumubog ang mga paa niya sa mabilis na pag-agos ng tubig at maingat na kumakapit siya sa mga bato para hindi madulas. Nakatanaw mula sa malayo si Virgo, nakasilip sa likod ng malaking bato na tumatakip sa view ng maliit na kweba na nilikha ng magkakapatong na mga bato.

As light began to stream through, Bree was starting to see the leaves of the surrounding plants and trees, cool and lush green. The yellowish dry leaves and branches were wet too. Dama ni Bree ang labis na pamimigat ng mga muscle kaya pinabagal niyon ang kanyang kilos. She tried her best not to look back and check on Virgo. Or else that might betray his hiding place if ever Jordan was already around and watching her move.

Nang malapit na siya sa kabila ng sapa, binilisan na ni Bree ang paglakad. Halos pigil niya ang hininga, kung hindi mapapalakas ang paghingal niya at maliliit na daing dahil sa pamimintig ng pagod sa buo niyang katawan.

She almost fell down upon reaching the ground. Humihingal na tumingin-tingin siya sa paligid bago kumubli sa mga halamanan at humarap sa direksyon ng sapa. Ilang minuto pa at lumabas na si Virgo mula sa pinagtataguan nito. Magiting ang pagsalang ng kanyang bayani sa sapa. The waters seemingly parted with each of his heavy steps, with a gun ready in his other hand. Hindi niya mapigilan na humanga sa kabila ng marungis nitong kasuotan ang magulong buhok. His sharp eyes shone with determination and renewed strength. His focus kept him alert by glancing every now and then to his surroundings.

Nang makaapak na ito sa lupa, hinanap siya ng paningin nito.

Siyang labas ni Bree mula sa pinagtataguan para dumeretso ulit ng lakad at makalabas na sila ng tuluyan sa kagubatan. It was Virgo's turn to hide within the plants and watch how far he could see her go.

Ngayong naglalakad na siya sa pagitan ng sali-saliwang hanay ng mga puno, sikil ni Bree sa dibdib ang pangamba na matatagpuan siya ni Jordan. Napahinto siya sa paglalakad nang marinig ang pagtakatak ng elisi ng mga helicopter. Hindi rin iyon nakaligtas sa pandinig ni Virgo na napatingala mula sa pinagtataguan nito. Pero saglit lang iyon at napunta muli ang mga mata ng lalaki sa pagtanaw sa kanya.

Napapitlag si Bree nang makarinig ng putok ng baril.

She automatically faced on her right and the gun shots were followed by another. And another.

Bree kept her head low and ran to the biggest tree she could see. Umupo siya sa ugat niyon at doon kumubli. She curled her body as much as she could to keep it hidden by the thick body of the tree.

Sumulong naman si Virgo. He kept himself low as he cautiously looked around. Siyang sulpot ng tumatakbo na tauhan ni Jordan. By reflex, Virgo stretched a hand and shot him by the leg. Nagpaputok ito ng hawak na baril. But ompfh, he missed. He dropped on the ground groaning loudly about his leg. Sinundan ni Virgo ng isa pang baril sa gilid ng ulo nito para tuluyan nang manahimik. At nagtago agad ang lalaki sa likuran ng isang puno. Nag-abang ito kung may nakarinig sa maingay na pagpalahaw kanina nung nabaril niya at may pupunta sa direksyon nila. He could hear his heart pounding loudly, making his ears ring with its beat. Matapos ang ilang minuto, walang sumulpot para i-tsek kung ano ang dinadaing kanina nung lalaking pinatay nito kaya naman nakayuko na nagpatuloy sa paglakad si Virgo. His eyes looked around, searching for Bree.

Bree caught her breath and left her hiding spot. Abot-tanaw na siya ni Virgo nang biglang may humablot sa kanya. Mabilis na binalibag ito ni Bree sabay suntok sa mukha nito. What got the man unconscious was how badly his head hit the ground. Nagimbal siya nang ma-realize na isa pala ito sa mga pulis na pinadala ni Virgo para hanapin siya. She muttered a low curse under her breath, feeling sorry for the police.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon