BREE LEFT HER SEAT IN THAT WAITING ROOM. Hindi mapakali na gumawi sa mga bookshelf hanggang sa madikitan ng humahagod niyang kamay sa mga spine ng libro ang titulo ng Noli Me Tangere. Naalala niya si Maria Clara.
Nag-iba siguro ang takbo ng kwento kung nalaman niyang buhay si Ibarra, at mahal pa rin siya nito. Kinuha niya ang libro mula sa shelf. Wala sa loob na binuklat-buklat iyon. Virgo and I chose to be safe, pero ang aklat na ito ang magre-remind sa akin na huwag laging safety ang piliin. Because Maria Clara always chose to be safe- to keep her good image, to secure her singlehood by being a nun, to listen to other people in fear of making a mistake, and look what happened to her. Sa ngayon, iyon ang mabuting gawin, pero malaya rin ang tao na piliin kung ano ang tama.
Bumukas ang pinto at pumasok si Laila. Nilingon niya ito, magalang na nginitian.
"How are you?" hakbang nito palapit sa kanya. "Nauuhaw ka ba?"
Umiling siya. "Ayos lang po ako."
"Hindi pwede ang mahiyain dito," mataman nitong titig sa kanya. "If you need anything, let us know immediately, alright?"
"Opo naman," harap niya sa ginang at inabangan na makalapit ito sa kanya.
"Handa ka na ba?" titig nito sa kanya.
Bree nodded.
"I know you'll make it," humahangang saad nito sa kanya. "Hindi ka tulad ng iba na image mo lang ang pinapahalagahan. Because if you only love your own image more than my son, you'll be bragging about dating the President. And because of that, I am sure that you really love him. I know that through thick and thin, you'll stay by my son's side. Artista ka, kaya tiyak ko rin na mauunawaan mo kapag may mga kontrobersya kayong kahaharapin."
"Makakaasa po kayo. Hinanda ako para sa araw na ito."
"At asahan mo rin na aalagaan ka ng anak ko. Kung hindi, lagot siya sa akin."
Mahinang natawa roon si Bree para pagaanin ang loob. Huwag sana dumating ang araw na iyon, na matotoo ng ginang ang banta na lagot si Virgo kapag hindi siya inalagaan.
Ngumiti ito. "O, siya, baka papunta na rito si Virgo, aasikasuhin ko muna ang mga anak ko. Mag-iingat kayo sa byahe lalo na at-" sumimple ito ng sulyap sa tiyan niya.
Bree gave Laila a nod. "Opo, Ma. Thank you po.
Ilang minuto pa at nasa Presidential car na si Bree katabi si Virgo. She could not help glancing at her clothes- a beautifully fitting pink Filipiniana made of the finest pineapple material with a sweetheart neckline and a pencil-cut skirt. A small Philippine flag brooch was on the chest part of her clothing. Nakaladlad ang unat niyang buhok, may customized na enamel sampaguita flower design na naka-clip sa kanyang buhok. Her make-up was decent and subtle, which toned down her seductress image and emphasized on her deep, emotional eyes- as expressive as a great actress' eyes.
Naramdaman niya ang paggagap ni Virgo sa kanyang kamay. Makisig ang lalaki sa puti nitong barong na may Philippine flag brooch sa dibdib. The Barong was made of a clear, white, almost translucent material with gold details. Virgo preferred to wear something close to how traditional an actual Barong looks like to keep his image formal with a striking elegant simplicity. His hair was nicely swept in a neat fashion, handsomely set aside to show his handsome face clearly.
Hinayaan ni Bree na sumingit ang mga daliri niya sa siwang sa pagitan ng mga daliri ng lalaki. Sinuklian niya ang higpit ng paghawak nito sa kanya, ang magaan na pagpisil sa kanyang kamay hanggang sa nagtama ang mga mata nila.
Her heart skipped because he caught her staring at him. And it completely melted as he granted her a soft, light, loving smile.
"Nervous?" he asked.
BINABASA MO ANG
Slide
General Fiction[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...