Chapter 26: Five

26.5K 574 72
                                    

NAKATUTOK kay Virgo ang mga mata ni Jordan. Virgo was wondering if his cousin had a clue about the progress of his plans but this is not the right time to focus on that thought. Kasalukuyan silang binabakuran ng mga tauhan ni Jordan na nakasuot ng itim na shirt na may tatak ng mukha ni Virgo, numero sa balota at Virgo for President. Nagkakagulo ang mga tao sa paligid nila sa covered court na iyon sa Davao. Sinadya ni Virgo at ng campaign manager niyang si Ryan na ihuli ang mga malalayong lugar na pagkampanyahan, dahil advantage nila na sila ang huling maaalala ng mga ito hanggang sa dumating ang araw ng eleksyon. At dahil hindi na nagsisikap ang ibang kandidato na bumiyahe ng malayo sa huling araw ng kampanyahan para magkumahog ng luwas sa Luzon kung saan karamihan sa kanilay ay botante, sigurado sila na hindi makakapahabol ng kampanya ang mga ito sa Mindanao.

Halos hindi na maisa-isa ni Virgo ang mukha ng mga taong naisisingit ang mga kamay para lang makipagkamay sa kanya. Tanggap lang siya ng tanggap. Pasa-pasa ng mga ito ang kanyang mga kamay at may ilan pang manghihila para lang makayakap sa kanya. Mabilis ang mga tauhan ni Jordan na maglayo sa mga ito sa kanya.

Kumaway na lang si Virgo habang nasa likuran niya sila Jordan at Greg. Nasa tabi niya ang tumatakbong bise-presidente na si Pacito. May katandaan na ang lalaki at manipis na ang buhok. Maaliwalas ang mukha at maamo ang mga mata. Maganda ang tindig pero medyo umuumbok na sa suot nitong shirt ang pagiging bilugan ng tiyan.

Virgo wore a white, striped polo shirt that fitted his body. May nakakabit na brootch ng logo ng partido nila sa bandang dibdib tulad ni Pacito.

Dumikit ang braso ni Pacito sa kanya.

"Grabe, ngayon lang tayo makakapag-ikot dito pero ang dami na nating supporters!" laban ng boses nito sa ingay ng mga naghihiyawang tao.

Ngumiti lang siya at palipat-lipat ang tingin kay Pacito at sa mga kinakawayang tao.

"What can I say? Maraming natulungan ang ama ko rito sa Mindanao."

At ito lang din ang tanging lugar sa Pilipinas na sumasang-ayon sa kagustuhan noon ng tatay ko na gawing imperyalismo ang gobyerno mula sa pagiging demokratiko.

Nang makaakyat sa entablado, nagkaroon ng maikling panimula sa programa. Inaliw ng mga emcee ang mga dumalo at hindi rin nagtagal ay tinawag na nito si Pacito para hilingin ang suporta ng mga tao.

Nabalot naman ng katahimikan nang si Virgo na ang tumungo sa gitna ng entablado. He stood in front of thousands of people like Freddie Mercury in Live Aid 1985. Everyone's eyes and ears waited for him. Ang bawat pagbati at tanong niya ay sinasagot ng mga ito. Hindi niya rin kinaligtaang banggitin ang mga pangako at intensyon niya sa pagtakbo bilang Pangulo, ang mga inspirasyon niya at ang kagustuhang makatulong sa pagresolba sa mga problema sa bansa.

"Hindi ko hinuli ang pagbisita sa inyo dahil last priority ko kayo," muli niyang wika habang sinisikap na maisa-isa ang mga mata ng mga tao na natatanaw niya roon. "Hinuli ko kayo para malubos-lubos ang oras dito na kasama kayo. Ayoko naman na unahin kayo pero magkukumahog ako na makabalik agad mamaya ng Maynila."

Masayang naghiyawan ang mga ito.

"Napakahalaga sa akin na makausap kayo ng matagal-tagal, dahil ramdam ko na malayo kayo mula sa Malakanyang at kayo rin ang nagtitiis sa distansya, maiparating lang ang mga concerns ninyo. Ngayon na nandito na ako, masaya ako kung mapag-uusapan natin ngayon ang mga concern ninyo sa gaganaping Question and Answer maya-maya lang."

Palakpakan.

"Wala akong pakialam kung hanggang anong oras tayo abutin! Mapakinggan ko lang at masagot ang mga tanong ninyo. Dahil sa oras na manalo ako sa eleksyon, kakailanganin kong balikan iyang mga tanong at concerns ninyo lalo na at nasa posisyon na ako para paglingkuran kayo. Kaya ngayon pa lang, huwag na kayong mahihiya na mag-voice out sa amin." Sinulyapan niya si Pacito na nakaupo sa isang monobloc sa likuran niya sa entabladong iyon. "Hindi ba, Pacito?"

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon