Chapter 58: Bree, Go!

24.6K 679 167
                                        

MINADALI NI BREE ang pagligo. She was left with no choice but to wear the bathrobe. Wala naman kasi siyang baong damit dahil hindi niya napaghandaan ang pagi-stay-over sa hotel. At hindi na niya matagalan pa ang pagsusuot sa Jessica Rabbit gown niya. Then she went out of her room. Kinatok niya ang silid ni Marco, hindi siya nito pinagbubuksan.

Pero kapansin-pansin na wala nang mga PSG sa tapat ng silid ni Virgo. Siguro may emergency kaya umalis ang mga ito. She didn't really know.

Nakaupo na siya ngayon sa harap ng dresser table, sinusuklay ang kaka-blow dry lang na buhok. Mahaba ang buhok niya at nangalay siya agad dala marahil sa dami ng pagod sa celebration ng birthday ni Virgo kaya medyo basa pa rin.

Kung anuman ang emergency na dinahilan ni Jordan kaya bigla itong umalis, nagpapasalamat ng husto si Bree. Ibig sabihin, may oras pa siyang nalalabi na ligtas mula sa lalaki. Sana matagalan ito sa emergency na iyon. Sana hindi na makabalik pa si Jordan sa suite nila. Bree kept glancing at her phone on the dresser table. Ni tawag o text niya kasi hindi rin sinasagot ni Marco. Medyo nag-aalala na tuloy siya.

Then there was a knock on the door.

Kung si Jordan iyon, hindi siya kakatok, nilingon niya ang pinid na pinto. Hindi ko rin naman nila-lock pa ang pinto. Baka biglaang may balikan si Jordan, kung ano pa ang isipin kapag nakitang ni-lock-an ko siya ng pinto.

Binalik niya ang paningin sa salamin.

Si Marco kaya?

Tatayo na sana siya, but the door flung open. Mabigat ang paglapat niyon pasara kaya napalingon siya.

Tumambad kay Bree ang pamilyar na bulto. He, in a confident height, walked with the swagger of a man not worth messing with. His strides were slow, yet precise. Kita ni Bree sa mukha ng lalaki ang pandidilim, ang pagtitiim ng mga bagang nito ang mas nagpatapang sa hitsura nito.

"Oh," she intended to sound so disappointed as she returned her eyes on the mirror. Tinuloy ni Bree ang pagsusuklay ng buhok. Pero totoo, mabilis siyang umiwas ng tingin dahil sa sinisikil na matinding pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib. Even the pit of her stomach was on knots.

Hindi niya malaman kung paiiralin ang pagkainis, dahil kung magagawan pala nito ng paraan na magsolo sila, bakit ngayon lang? Bakit kung kailan siya na ang gumawa niyon para sa kanila para matanong ito noon kung ano na ang estado nila? Kung saan nilinaw na ni Virgo na tapos na ang lahat sa pagitan nila?

Ewan. Bahala na.

Pero hindi. Hindi siya mapakali sa presensya nito. Nanunuot sa kanya kung gaano kahirap dedmahin iyon. Sumisikdo sa bawat himaymay niya ang pananabik na pinipilit sikilin ng lahat ng sama ng loob na mayroon siya para rito.

"Kamusta naman si Jordan?" anas nito. "Mas magaling ba kaysa sa akin?"

"Naliligaw ka ng kwarto," malamig niyang sagot, panay ang suklay kahit maayos na ang buhok.

"Ikaw," he sneered, "ang naliligaw ng kwarto. This is Jordan's."

"Then I supposed, naliligaw din si Cheska ng kwarto. Isn't the next room the President's?" sumimple siya ng mataray na sulyap dito at nang sumalubong sa kanya ang mabigat nitong titig, mas lalo siyang kinabahan. Binilisan ng kamay niya ang pagsusuklay sa buhok.

"Bakit ka nandito? Aren't you supposed to be staying away from me? From us? Pero ano ang ginagawa mo? You're here. You're looking for trouble."

Binaba niya ang suklay.

"You'll be safer if you're farther away from me. From us Ferdinands. Alam mo iyon. You're not as stupid as other people think. I know you're smart. You know what you are doing, Bree."

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon