NANG MARATING ANG SUITE na tutulugan, umupo agad si Bree sa gilid ng kama at ini-connect ang cellphone sa wi-fi. Mga isang buwan na rin siyang hindi nagche-check ng social media accounts niya dahil a) umiiwas siya sa mga bashers, b) wala naman siya masyadong kaibigan na celebrities kaya hindi niya kailangang maging updated, at c) hindi niya nakalakihan ang paggamit ng social media kaya hindi siya na-hook sa panay-panay na pagche-check o pagpo-post.
Nag-log in na siya sa Facebook, wala siyang makita masyado na mga posts na related sa kanya sa Newsfeed. Wala rin namang nagta-tag masyado sa FB page niya. Pero updated ang mga posts doon dahil kay Manager Ken, ang nag-iisang co-admin niya sa page na iyon.
Puro mga larawan lang naman niya ang pino-post nito para i-update ang mga fans niya. One photo was a stolen shot of her shooting a scene for a TV series. Nahagip ng picture ang mga crew at camera na kinukuhanan ang eksena na magkatitigan sila ni Jason.
May litrato din ng kanyang mga guestings, at ilang mga larawan na aware siya at kinuha sa dressing room, matapos siyang ma-make-up-an. May kuha din ang manager niya na picture niya habang sumusuntok sa boxing pads. Hindi niya mapigilan ang mapangiti.
Nitong nakaraang mga buwan lang, halos stagnant ang FB page niya dahil wala masyadong ganap kundi ang shooting sa pelikula niyang The Righteous One. Hanggang sa napo-post na roon ang ganda niya noong premiere night. There was a side view shot of her throwing a flying kiss. Nahagip ang imahe ni Virgo mula sa kabilang dulo ng red carpet na matiim ang pagkakatitig sa kanya. A hint of his lips about to smile was there too.
Bree shook her head. Naalala niya ang tunay na pakay kaya nag-online.
She typed her name on the browser. She paused. Sinunod niya na ang pangalan ni Virgo.
At doon na lumabas ang iba't ibang search results:
Is PV Dating a Sexy Star?
Mysterious Date of the President: Revealed?
PV and Bree Capri Viral Photos
The President's Secret Affair
Binuksan niya ang link para sa PV and Bree Capri Viral Photos. Napasinghap siya sa accuracy ng mga larawan. Accurate dahil alam niya na sila talaga ni Virgo ang mga nasa larawan. Medyo madilim ang kuha sa kotse, pero alam ni Bree na sila iyon, mula sa suot niyang puting-shirt at ayos ng buhok, kahit nakatalikod siya sa camera. Bahagya niyang natatakpan ang mukha ni Virgo habang naghahalikan sila sa kotse nito. It was that night when they sneaked away from that boxing gym.
May larawan din niya na bumaba siya mula sa kotse ni Virgo at suot ang Maria Clara gown.
Nanlulumong naibaba niya ang cellphone.
Paano namin ito ie-explain?
Bree could not relax after that. Halos lahatin na niya ang pagbabasa ng mga article at blogs tungkol sa mga larawan nila. May mga naniniwala na may involvement sila ni Virgo, mayroon namang hindi.
May mga commentary na interesting couple sila; mayroon namang nagdududa na seryoso sila sa isa't isa- Bree Capri has been rumored these past few years to be the showbusiness' instant girl, rumored for one-night stands and scandalous sex sprees from co-actors to directors; and it will be really disappointing if the new President is really involved with the sexy star. It would change our mind about seeing the President as this young, decent gentleman that we thought he is.
And another article: If these rumors are true, then it shows that PV in pre-marital affairs which, frankly, is not the best thing to have for a person who represents our country that has a strong and big population of Catholics who firmly believes in decency when it comes to sex and marriage.

BINABASA MO ANG
Slide
Ficción General[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...