ONE DOWN. SI GREG NA LANG ANG NATITIRA.
Nasa loob ng silid si Virgo at hindi pinapansin si Cheska na nakaupo sa harap ng dresser mirror. Bubulong-bulong ang babae, tila inis na inis habang tsine-tsek nito ang mukha at leeg.
Umupo si Virgo na siya sa gilid ng kama, kakabalik lang mula sa pag-utos sa gwardiya na bilhan siya ng pampatagal.
"Ano ang ginawa mo sa labas?" puna na nito sa kanya, sumaglit ang tingin sa repleksyon niya sa salamin.
"May pinabili lang ako," pansin niya rito sa wakas. "So, you said, Bree attacked you?"
Cheska just scoffed. Hindi ito sumagot sa kanya kaya hinabaan pa ni Virgo ang pasensya.
"And you said that she's still here because—"
"Because she's sleeping with Jordan tonight," she slightly mumbled.
His smile was dark and sinister. "I see."
"Kainis," bulong ni Cheska sa sarili nang makakita ng kalmot sa gilid ng mukha nito.
"And she attacked you again because?"
"Because she's bragging that Jordan will make her a Ferdinand, and I have to be honest with her by saying na hindi siya nababagay maging isang Ferdinand. I mean, you and Jordan... like what I've always said, you deserve better. Kita mo? Pinatulan ka tapos ngayon si Jordan naman? Hindi na nahiya. Basta lang maipilit niya ang sarili na mainvolve sa mga Ferdinand, iisa-isahin niya talaga kayo hanggang sa may maka-take sa kalandian niya."
At hinarap siya nito.
"Now you see her attitude? And you still like her more than me, Virgo?"
His jaws tensed. Wala ang emosyon niya sa mga pinagsasasabi ni Cheska. Pabalik-balik ang utak niya sa sinabi nito kanina.
She's sleeping with Jordan tonight.
Dama niya ang paninigas ng katawan sa sobrang pagtitimpi. Pero hindi maikakaila ng pagdidilim ng kanyang anyo ang kagustuhang magwala dala na rin ng paglilikot ng kanyang imahinasyon.
He knew what Bree can do— what wonderful, tittilating fucks she could do to please a man. He was both dying with jealousy and alive with fury. His jaws tensed as his thoughts kept tossing ideas back and forth.
Dismayadong napailing na lang ang babae at naiiyak na hinarap ulit ang salamin.
"Virgo... What's so good about bad women like her?"
"Please, Cheska," pinanguhanan na niya ang babae bago nilisan ang kama.
Nauupos na ang pasensya niya at hindi na yata mahihintay ni Virgo ang pinabili niyang mga tablet.
"I just want to know," titig ng naluluhang mga mata nito sa kanya. As she wildly turned to face him, Virgo stopped from his tracks to catch her gaze. Lumambot ang mukha ng babae. "I know it's your birthday..." malungkot at napapahiya nitong saad. "Virgo, I'm sorry... I don't want to make you feel bad on this day. Virgo—" lumapit ito sa kanya para harangin siya.
He was left with no choice but to step back and sit down on the side of the bed again.
"Pero ito lang ang pagkakataon na mayroon ako," hagod ng mga kamay ni Cheska sa kanyang mga balikat, "para tanungin ang ganitong mga bagay sa iyo... ngayon na tayong dalawa na lang ang naririto at nasa labas lang ang mga PSG."
He sighed and firmly held Cheska's waist with one hand out of his shock. Bigla kasing tumukod sa magkabilang tabi ng mga hita niya ang mga tuhod nito. Pinosisyon ng babae ang sarili sa ibabaw ng kanyang kandungan, nakatukod pa ang mga tuhod kaya hindi pa tuluyang umuupo sa kanya.

BINABASA MO ANG
Slide
Ficción General[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...