Chapter 34: Worried

24.1K 495 23
                                    

BREE HEADED TO THE NORTH. Mahaba-haba ang biyahe pero matiwasay silang nakarating doon ng driver nila ni Manager Ken. Nang matulungan siya sa pagbaba ng mga bagahe sa private vacation house na iyon, umalis na rin ito agad. Sa daan na lang daw ito kakain dahil gustong makauwi ng maaga sa Manila.

The one-day rental for the vacation house was a bit pricey. Hindi nakakapagtaka dahil hindi lang basta vacation house iyon. It was a private beach house. Aside from it facing the beach, it had no neighboring houses too, an assurance that any guest would have a very peaceful stay. Mayroon ding wifi doon at kumpleto ang mga gamit. Pinaliwanag naman ng may-ari na may times na mahina ang wi-fi signal dahil sa sobrang seklusyon ng lugar. Bree booked for a stay for today and the end of the month. Iyon ay para hindi mahalata na umalis siya roon sa oras na sunduin siya ng driver pagkatapos ng kanyang bakasyon.

In-accommodate siya ng may-ari ng vacation house. Nakipag-picture din ito sa kanya dahil naging avid fan nung mapanood siya sa The Rightful One. Nakiusap nga lang siya na kung pwede sana, next month na nito i-upload 'yung selfie photo nila. Ayaw lang kasi niyang may makaalam na nagbabakasyon siya at baka ma-recognize ng mga makakakita sa picture kung nasaan siya. Um-oo naman ito.

"Are you sure that you'll be fine being alone here?" tanong ng magandang babae sa kanya. "I think, throughout the trip, nakita mo naman na ang layo ng mga bilihan dito. It will take you at least, three hours to reach the nearest town with market from here."

"I can manage," ngiti niya rito. "I really love this place."

"Oh, thank you, I hope you'll enjoy your stay," masaya nitong ngiti sa kanya.

Nang maiwanan na siyang mag-isa sa bahay, binuksan ni Bree ang sliding door sa likurang bakuran niyon.

Nakahara pang sliding doors sa maliit na hardin na nalalatagan ng Bermuda grass. Abot-tanaw mula roon ang puting buhangin ng beach. Bree spread a wide smile and lifted her hand to cover her face from the scorching sunlight.

In an hour or so, a helicopter finally arrived.

Ayon sa plano nila ni Virgo, magre-renta siya ng pribadong vacation house. 'Yung nasa liblib na lugar. Hihintayin niya ang pagdating ng helicopter ng binata na magdadala sa kanya sa lokasyon nito.

Kung saan iyon, hindi sinabi sa kanya ng pilyong lalaki.

Surprise daw.

Bree closed the sliding doors as the helicopter descended. Leaves, sprinkle of water and sand flew in swirls, following the wind swooshed by the blades of the flying machine. Nang humina na ang pag-ikot ng mga elisi, binuksan niya ang sliding doors. Sumalubong sa kanya ang batang piloto. He was around eighteen or nineteen, tall and slender with cute, puppy eyes.

Tinulungan siya ng mismong piloto ng helicopter sa pagsakay ng mga gamit niya roon. Iniwanan din niya ang duplicate keys na pinahiram sa kanya ng may-ari sa coffee table sa salas na may kasamang note. Habang nilalagay nung piloto ang mga gamit niya, nilinis ni Bree ang kayang punasan sa nabuhanginan na sliding door. Sinigurado niyang nasarado ng mabuti ang sliding door bago lumapit sa naghihintay nang piloto.

Then he gave her some ear muffs with a mouth piece.

"You'll need that," tulong nito sa pagpapasuot sa kanya niyon. "Kung may mapansin ka na problema sa seat mo sa loob, just let me know, Ma'am."

Napatitig siya sa piloto. Hindi kaya nito i-tsismis na siya— si Bree Capri— ay nakikipagkita kay Virgo Kristofer Ferdinand? Kilala naman siguro nito kung sino ang nagbayad ng service fees nito, 'di ba? Siguro din naman, aware ito kung sino siya... 'di ba?

"I will," nag-aalangan niyang sagot. Nag-aalangan dahil sa mga naisip tungkol sa piloto.

Pinasakay siya nito sa passenger seat ng helicopter kahit wala naman itong katabi sa harapan ng sasakyan. Then, the door slid close before he got on his seat and put on his accessories. Binilinan din siya nito na suotin ang seatbelt at nagdagdag ng mga emergency precautionary measures na dapat niyang gawin kapag kinailangan.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon