Chapter 48: Guards

20.1K 581 106
                                    

THERE WERE VERY FEW occasions when Virgo cried. Of course, he cried on the day he was born. Maybe that cry was a sign that he didn't want to exist. Because as he grew up, what welcomed him is indifference. Hindi siya umiyak nang dahil sa mga sugat o galos dahil hindi naman siya aktibo noon sa pakikipaglaro. Bukod sa mahigpit na seguridad na pinagkaloob para sa kanilang pamilya noon, pagbabasa lamang ang kanyang hobby.

Masyado pa siyang bata noon para maunawaan kung bakit parang may iba sa pakikitungo ng mga tao sa kanya. May mga kaedad lang niya na ganoon din kung itrato siya.

Na para siyang naiiba.

He saw how people tried to flock around his father... his family.

At a young age, he wondered if that was normal.

Ang gusto lang naman niya noon ay magkaroon ng oras para mapag-isa. Para makapaglaro mag-isa o magbasa ng libro.

Hanggang sa unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat.

His father was a political figure. Labis na humanga noon ang mga tao sa talino nito at kapasidad na gumawa ng mabubuting desisyon. People criticized him for being unable to complete an education. Iba pa kasi noon ang pulitika, hindi madadaan sa pinag-aralan ang kwalipikasyon kung nararapat bang maging tagapag-lingkod sa bansa o hindi dahil sa limitadong kaalaman.

Dahil doon, pinaligiran ni Aries Ferdinand ang sarili ng mga taong sa tingin nito ay higit ang nalalaman kaysa rito. At dahil sa dami ng tao sa paligid ng ama, nakakalapit din ang mga ito sa kanya.

Napupuna siya.

Matalinong bata itong si Virgo, ah, kadalasang naririnig niya sa mga lalaking bumibisita sa opisina ng kanyang ama. Susunod na ba ito sa iyong yapak?

Bakit hindi? Sagot naman ng kanyang ama. Tingnan mo at mukhang nawiwili naman sa pag-upo-upo rito sa opisina ko.

Totoo iyon, naaaliw siya. Marami kasing libro.

Pero hindi naman pulitika ang tinitibok ng kanyang puso.

Kundi ang pagsusulat ng mga nobela.

He loved books and hoped that one day, he would be able to read his own stories.

Hindi. Abogasya ang kukunin mong kurso, Virgo, iyon ang mariin na utos ng kanyang ama.

He did not cry, but Virgo felt that his heart did.

Sinunod niya ang nais ng ama dahil tulad ng mga taong nasasakupan nito, ganoon din ang naging koneksyon ni Virgo rito. He felt that his father is not his father anymore. But the president, that every disobedience would mean a punishment from him.

Another time when he cried was in an audition.

Iba-ibang emosyon ang hiniling sa kanya ng mga casting directors at staffs noon. May isa na pina-arte siya na galit. Mayroon namang isa na gusto siyang umiyak.

He only managed to make tears rim in his eyes. Walang pumatak.

Hindi siya nakapasa noon. Medyo malungkot.

Gusto pa naman niya 'yung role.

Hindi niya ginustong maging rapist. Pero nung mga panahong iyon, ginusto niya dahil sa makaka-trabaho daw niya sa eksenang iyon. Tamang-tama daw pati ang edad niya dahil medyo mas matanda siya sa aktres.

Oh well...

Now here goes the tears again.

Virgo immediately turned and headed toward the door.

Naunahan ang isip niya ng emosyon at mga paa.

Gusto niyang humabol kay Bree.

Nagulat ang mga gwardiya na nakabantay sa magkabilang pader ng pinto. Mabilis na humabol ang mga ito sa kanya.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon