Chapter 2: Too Much Coincidence

54.8K 825 15
                                    

NAKATALIKOD SI BREE at ang liwanag mula sa papalubog na araw sa kanyang harapan ay lumikha ng silhueto ng perpektong hubog ng kanyang katawan. She was clad in a two-piece bikini, scorching in full sensuality and sexually arousing.

She lifted her arms, tossed her wavy hair before looking over her shoulder. Bahagyang umangat ang balikat na iyon, tila tinuturo ang pilyang ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. The side of her eyes beautifully reflected the glow of the sunset, making them shine from brown to gold-like.

Pagkatapos, nakita siyang nakahiga sa dalampasigan. Humahagod ang mga kamay sa basang katawan ni JD Cesar. Abala nung una ang lalaki sa paghalik sa gilid ng kanyang leeg, sa panga… bago nagtama ang mga mata nila. Nagpalitan sila ng matunog na mga halikan. Humalik ang kahel na liwanag sa kanyang mukha habang bumubuka ang mga labi. Kapos-hininga kaya may kahinaan sa kanyang pag-ungol.

Mabilis ang naging mga pangyayari. Mabibigat na ang naging mga hakbang ni Bree, suot ang kanyang pulang high heels habang sinusugod si Leticia Sobel. Leticia turned to face her-- stunning and innocent-looking. Galit naman ang nasa kanyang mga mata bago huminto sa harap nito na sexy sa puti nitong dress. Bree sarcastically grinned.

"You think you'll have him to yourself? Gusto mong malaman kung ano ang ginawa ko sa kanya? Kung ano ang kaya kong gawin na hinding-hindi mo kaya?"

Matapang na ngumisi ito. "Shouldn't I ask you that? You think you'll have him to yourself? You think I'll annul my marriage with my husband?" Nilapit ni Leticia ang mukha sa kanya. "Slut."

Nag-angat ng kamay si Bree para sampalin si Leticia. Pero bago pa dumapo ang palad niya sa mukha nito, naputol na ang senaryo.

Napunta siya sa alaala ni Bree kasama si JD sa tabing-dagat, nagpapalitan ng malalagkit na tinginan at nakakalokong ngisi sa isang bar, ang maharot nilang pagsasayaw.

Ako ang nauna… pagmomonologo ni Bree. Sa akin nanggaling ang unang sarap…

At nasa alaala na sila ng paggising ni Bree, nang bigla na lang nawala si JD. Inangat niya ang kumot para mas takpan ang dibdib, halata na hubo't hubad siya sa ilalim niyon. Confusion were in her eyes.

Lingid sa kanyang kaalaman na nagmamadaling umalis ang lalaki, binalikan ang mga kaibigan na kasama sa isla na iyon para mag-bachelor's party celebration. Hindi nakaligtas sa mga imahe ang perpekto at inosenteng hitsura ni Leticia, sa puti nitong wedding gown, nakangiting naglalakad at nakatanaw sa nakaabang na si JD sa altar.

Sa akin din manggagaling ang huli.

And flashes of Bree seducing, making-out and having censored sex with JD began playing. Salitan ang naging mga kaganapan. Nakatitig si Bree sa mga mata ni JD sa isang dimly-lit na office room. Kita ang sarang blinds sa background. She was straddling him, he was caressing her ass.

"I'm better, right?" she sexily murmured before her red lips sucked his ear. Nagnanasang napapikit si JD bago siya hinawakan sa pisngi, siniil ng halik. Masarap pagmasdan ang pagiging hayok nila.

"Oo," he murmured in her lips.

Sumunod ang paghiga ni Leticia sa kama. Pinaimbabawan ito ni JD. She gave her hand for him to kiss. He kissed close to the wedding ring before JD sexily stared into her eyes. Ngumiti ang babae rito. Then, JD dipped until they shared a slow, sensual kiss.

"Welcome to the best experience of your life," Leticia hotly spoke in between their slow kisses.

Umitim ang screen, lumabas ang titulo ng pelikula-- The Rightful One. At sumunod ang petsa ng premiere night.

Bumalik si Bree sa reyalidad nang marinig ang palakpakan ng audience. Pinalabas ang trailer ng bago nilang pelikula sa isang late night talk show kung saan magkakatabi silang nakaupo nila JD Cesar, na gaganap bilang Harold, si Leticia Sobel bilang Chelsea, at siya, si Bree Capri, bilang si Josephine. Late night talk show ang sadya nila pero umaga ini-shoot.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon