"PUT MORE FORCE TO IT," the trainor encouraged.
She was already at the gym that night. Nakukulangan pa rin siya sa naiidlip kaninang hapon, pero kaya pa niya. She wore a grey sports bra and dolphin shorts. Maayos ang pagkaka-wrap ng bandages sa kanyang kamay bilang proteksyon. Mataas ang pagkaka-ponytail ng kanyang buhok at komportable siya sa suot na puting rubber shoes. Nilakasan pa ni Bree ang pagsuntok sa boxing pads na nasa kamay nito. Napaatras ng kaunti ang lalaki, palipat-lipat ang tingin sa kanyang mga suntok at sa paggalaw ng kanyang paa.
"Impressive footwork, ituloy mo lang iyan," anito. "Gumaganda ang suntok mo kapag ginagalaw mo ang mga paa mo ng ganyan."
She just let out a labored breath and gave a strong left handed blow.
"Whoa," malapad na ngiti nito sa kanya.
Nginisihan ni Bree ang lalaki.
"Get refreshed," baba nito ng isang kamay.
Mahinang apir ang binigay ni Bree sa nakaabang nitong kamay na may boxing pad pang suot. Then she turned away from him. Yumuko siya para makasingit sa awang ng mga lubid ng ring at makababa mula roon.
Nakaabang na naman si Manager Ken sa kanya. Inabutan siya nito ng towel at bote ng mineral water. 'Yung towel lang ang kinuha ni Bree para punasan ang sariling pawis.
Mas pinili niya na i-schedule ng gabi ang physical workout para paghandaan ang role sa Forbidden. Para deretso tulog siya at maibsan ang pagod.
Humihingal na pinasadahan niya ng punas ang dibdib at batok.
"Ano'ng oras na, Manager Ken?" tanong niya rito.
"Alas-nwebe pa lang."
Namilog ang mga mata ni Bree. "Seryoso?"
Sa sobrang pagod ng kanyang katawan, pakiramdam niya tatlong oras na siyang nagsususuntok sa boxing pads. Dapat sanay na siya sa ganito, isang linggo na kasi siyang nagte-training. But Bree was very forgiving with herself. She can't be too hard to herself now that she's so close to her dreams coming true. Mas pinipili niya ngayon na mas i-encourage ang sarili.
"Oo, okay ka pa ba? Kaya mo pa?" tanggap nito sa towel nang ibalik niya rito.
Kinuha niya ang mineral water at binuksan iyon.
"Kaya ko pa naman, Manager Ken," habol muna niya ng hininga habang nakaabang ang bukas na bote ng mineral water. Bree even managed to smile.
"Sigurado ka, ha?"
Kumurap-kurap siya. "Yeah."
Then she drank some water.
Nang makapagpahinga ng kaunti, bumalik na naman siya sa ring. May ituturo sa kanya na panibagong punching technique. Bree was asked to position in her boxing stance. Sinipat iyon ng trainor kung tama ba ang postura niya. She was respectfully tapped behind the thighs to get that toe-heel alignment; hugged with a decent distance from behind to position her back, shoulders and arms properly. Tinapik-tapik ng trainor ang mga braso niya pagkatapos.
"Relaxed. I-relax mo ang mga braso mo. Masyadong matigas. Parang robot ang magiging galaw mo niyan."
She tried to relax her arms. Nakailang tapik ang trainor hanggang sa makuha niya ang gusto nitong resulta.
"Ilang weeks na natin ito ginagawa, Bree. Hindi ka lang dapat sa pagsuntok naka-focus. Importante ang posisyon. Boxing stance ang pinaka-basic at unang-unang makikita."
She nodded, serious and focused with determination.
He tapped her abdomen with his knuckles that made her gasp.

BINABASA MO ANG
Slide
General Fiction[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...