SINAGOT AGAD NI VIRGO ang tawag. Nanatili siyang tahimik sa backseat ng sasakyan habang pinapakinggan ang caller. Maingat siya lalo na at kasama ngayon sa mismong kotse ang isa sa mga tauhan ni Jordan. Sigurado siyang nagpresenta ang gwardiya na sumama sa kanila ni Greg sa iisang sasakyan nang lansiin ito kanina lang tungkol sa lighter na naiwan sa kotse.
Tumango si Virgo. "I'm glad to know that info. Thanks." Habang ino-off ang cellphone, inanunsyo niya sino ang tumawag. "That's my campaign manager. Ini-inform lang niya ako sa current standing ko ngayong eleksyon."
Inaasahan na niya ang hindi pagsagot ng dalawa. Ibig sabihin niyon para sa kanila ay nakuha ng mga ito ang nais niyang iparating.
Sa totoo lang, hindi si Ryan ang tumawag sa kanya.
But the information he got was about Bree.
Nanatiling nakaupo si Virgo sa kotse, mukhang relaxed. Nakatanaw siya sa bintana pero patungo sa ibang direksyon ang isip.
Dahil sa mga nalaman niya mula sa tawag na natanggap, mukhang malakas na ang loob niyang alukin si Bree.
Alam niyang mahihirapan ang babae na tanggihan iyon.
.
.
.
***
.
.
.
BREE POURED ANOTHER WINE IN HER GLASS. Pagkababa ng bote, bumalik siya sa salas. She sat with her slender legs crossed, sliding down the skirt of her pale pink silk robe mildly patterned with gold stitching.
Nakaladlad ang mahaba niyang buhok, halos mag-alon-alon dahil mula nung maligo siya hindi iyon nakatikim ng suklay. Tila nakalambitin ang sleeves ng roba sa kanyang mga balikat, nakabuka iyon kaya halos sumilip ang malusog na mga dibdib.
She was done sobbing. Nakatulog na nga siya kagabi sa kakaiyak. Now she was drinking, feeling as bitter as the wine. Her lips licked and let the aftertaste kick her back to her senses.
Hindi siya dapat umiiyak o nagmumukmok ng ganito.
Wala siyang ginagawang masama, 'di ba?
Pero, tao lang din siya na napapagod. At kung alak ang solusyon niya para makabawi ng lakas ng loob, hahayaan na lang niya ang sarili niya. Siyempre, hindi niya ito recommended, pero saan pa ba siya makakahanap ng mapagkukunan ng lakas ng loob?
Wala naman siyang pamilya.
Wala ring mga kaibigan o mga tao sa paligid na sinsero ang concern para sa kanya.
Sa oras na makita sila ng mga ito sa ganitong kalagayan, natatakot siya na gamitin lang nila ang pagdaramdam niya para sirain siya.
She tipped the glass higher to empty it.
Bree felt like a dirty slut as she felt some drops slide away from her lips. Tumakbo ang mga patak ng alak pababa sa kanyang pangahan, sa leeg, sa dibdib. Pinunasan niya ng mga daliri ang sulok-sulok ng labi.
Nagpakawala siya ng daing.
Kailangan ko na mag-ayos-ayos...
Her cellphone rang.
Halos kaladkarin niya ang sarili pabalik ng kwarto.
Hindi alak ang dahilan ng pagpintig ng kanyang ulo, kundi kakulangan sa tulog.
What if I take sleeping pills? She wondered before answering the call. "Hello?"
Bree, ako ito,boses ni Manager Ken.

BINABASA MO ANG
Slide
General Fiction[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...