Chapter 33: Best Actress

26.8K 541 69
                                        

"YOU THINK IT'S SUSPICIOUS?" maang ni Bree nang marinig ang mga sinabi ni Manager Ken.

"Medyo," sagot nito.

Kasalukuyan silang nasa bakuran ng kanyang bahay, kung saan sila laging nag-uusap tuwing umaga o hapon dahil presko roon. It was already quarter to four in the afternoon. Masarap ang haplos ng liwanag ng araw sa kanilang balat, nawala na ang pagiging maalinsangan ng paligid.

At nakauwi na rin si Virgo matapos siyang saluhan ng almusal kaninang umaga.

"Bakit? Mismong si Sir Kaiser ang nag-offer sa akin," aniya sa kausap.

"Oo nga," sagot nito. "Pero kailangan natin ilagay sa consideration kung gaano katagal 'yung TV series. Ilang season? At kapag mataas ang ratings n'un, it would mean, pahahabain ng pahahabain 'yung TV series mo."

"Isn't that a good thing?"

"It's a good thing," anito, "kung gusto mo na iisa lang ang pinagkakaabalahan sa career mo."

Nagsalubong ang mga kilay niya.

"You see," patuloy nito sa pagpapaliwanag, "consistent ang shooting para sa TV series, kung ikaw ang bida, hindi pwedeng mawala ka roon ng matagal dahil obvious naman na 'yung bida ang pinaka-importante na role. Istorya niya ang sinusundan sa TV series."

She nodded, prodding him to continue.

"Which means, mahihirapan kang tumanggap ng ibang projects. Ng ibang TV shows o movies na mga isang buwan ang minimum na sakop ng shooting period. You can't be gone from a TV series for a month. Unless, again, weekly ang airtime o konti lang ang scenes mo sa pelikula. Paano kung gusto nila daily? Kapag tumaas din ang ratings ng palabas, from weekly, posibleng i-transition ng sched at gawing daily ang airing."

Palakpakan ka lang nila, lumalapit ka na agad at hinahayaang ikulong ka nila kung saan ka nila gustong ilagay, narinig niya ang tinig ni Virgo sa sariling isip nung napaisip si Bree.

"Matatali ako sa network," mahina niyang usal.

Napatitig si Manager Ken bago tumango-tango. "Yes. Malaking posibilidad iyan."

Hindi man direktang binanggit iyon ng binata sa kanya dahil wala naman ito masyadong alam tungkol sa showbiz, pero sapat na ang mga sinabi nito sa kanya kagabi para mapunta sa ganitong konklusyon.

"Isn't that a good thing?"

Umiling ito. "Not really. We can't be too optimistic here, Bree. Paano kung naka-extend ka na ng contract kapag naisipan nila na huwag kang bigyan ng projects?"

Nanlumo siya.

"Bago ka para sa kanila. Pasikat, kaya gumagawa na sila ng paraan para i-secure ang pananatili mo sa PH Channel. That's great news."

She stared back into Manager Ken's eyes.

"But the question is, can we really trust them? Aalagaan ka ba talaga nila o ganyan lang sila hangga't sikat ka pa?"

She knew the most possible and realistic answer.

"But the decision is still yours," sandal ni Manager Ken sa backrest ng bakal na upuan.

"Then let's not take it," she beamed that made her a sunshine of happiness. "And you know what?" abot niya sa kamay ng manager. "Thank you so much, Manager Ken."

That thank you meant more than appreciating Manager Ken's advice about Sir Kaiser's offer. Kasama sa pasasalamat na iyon lahat ng pagtitiyaga nito, pagtitiis sa ugali niya at pagpapasensya. Kasama sa pasasalamat na iyon ang realisasyon na tama si Virgo, napakabuting tao ni Manager Ken dahil sinisigurado din nito na ligtas siya mula sa mga stalkers, sa mga pangit na projects at mananatiling maganda ang imahe niya sa mga tao.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon