SA WAKAS, PINAPASOK na si Jordan at ang mga tauhan nito sa office room ng Big Boss ng Buenos Mafios. Ilang oras din silang ini-hold ng mga ito dahil wala pa sanang balak na makipagkita sa kanila ang taong pakay sa pagbisita roon.
They were welcomed by a man in black suit, seated on his swivel chair. Shadows fell across his grave face.
"Take a seat," wika nito.
"Hindi," bunganga kaagad ni Jordan. "Dahil wala akong balak magpaligoy-ligoy pa sa iyo. Alam ko na may kinalaman ka sa pagkawala nila Tita Laila. Gawain ng mga tauhan mo ang pagpapatumba ng ganoon sa mga tao ko! Kaya kung tinatago mo dito sila Tita, pakawalan mo sila! Ngayon din!"
"Iyan naman pala ang agenda mo, hindi mo na sana inaksaya pa ang oras natin, Jordan," he devilishly grinned and leaned his back on the chair, "dahil alam mo naman siguro na hindi ko gagawin iyang pinapagawa mo sa akin."
"Hindi mo yata kilala kung sino itong kausap mo?" mayabang na patungkol ni Jordan sa sarili. "Ako si Jordan Ferdinand. Isa akong Ferdinand," diin nito. Yet the Mafia Boss remained relaxed and unimpressed. "Magkano ba ang kailangan mo?" anas ng binata. "Ipagpipilitan mo pa rin ba na ipasok bilang PSG ang mga tauhan mo? Kung hindi ka lang makikialam, walang makakaalam sa inyo. Pero dahil ginagalit niyo ako, baka ipa-press ko na rin na kayo ang may kagagawan nito!"
"Para ano, Jordan?" mas naa-amuse ang Big Boss kay Jordan kaysa sa matakot. "Para madikit ang pamilya ninyo sa mafia? Tapos ano? Mauungkat na involved kayo sa amin noon pa at masira ang pangalan ninyo?"
Gigil na nagtimpi si Jordan. Halata namang walang maisagot sa sinabi ni Zoref. Hindi nito naiintindihan ang prinsipyo ng mga lalaking tulad ni Virgo... o Zoref, na mas masahol ang asong tahimik kung ikukumpara sa palakahol. Kung sino nga raw ang tahimik ay ang mas delikado at nangangagat.
"Look, Jordan," he scoffed, "we're a mafia organization, not a lost and found department. Kung may gusto kang ipahanap na nawawalang mga tao, gamitin mo ang resources ninyo... ng gobyerno na hawak ninyo. O baka naman nandito ka dahil aminado ka na masyadong ma-proseso at mabagal ang pinapamahalaan ninyong sistema?"
"Alam ko na kagagawan niyo ito," tukod ng mga kamay ni Jordan sa desk. "Kaya ilabas ninyo sila Tita Laila!"
Nakakakilabot ang ngisi ni Zoref dito. "Pagsalitaan mo pa ako ulit ng ganyan at wala sa inyo ng mga tauhan ko ang makakalabas ng buhay sa gusaling ito."
Lalong nanlisik ang mga mata nito.
"Ginagalit niyo ako, sa sarili kong teritoryo. Hindi ba nakakabastos?" mariin nitong hasik. "At ikaw na nga ang nakikiusap, ganyan pa ang tono ng pananalita mo, bata."
Lalong lumukot sa inis ang mukha ni Jordan.
"You think that made you cool already? Talking that loud too much?" mayabang at malamig na patuloy ni Zoref. "You should learn from your cousin. Use your brain some more instead of your mouth."
Mariing kinuyom ni Jordan ang mga kamao. "Babalikan kita. At hindi magbabago ang suspetsa ko sa iyo na may kinalaman ka sa pagkawala nila Tita! Malalaman ko rin kung para saan itong ginawa ninyo!"
"Of course you'll find out," Zoref stared. "But it will be too late for you to counter."
Galit na tumalikod ito at sinenyasan ang mga tauhan na sumunod dito.
"Ito lang ba ang dahilan kaya inabala niyo akong umalis ng bahay?" lingon ni Zoref sa isa sa mga tauhang nakabantay dito. "Para mag-pacify ng maingay na bata?" tayo nito mula sa swivel chair.
.
.
IRITABLE PA RIN SI JORDAN nang tawagan si Cheska.
BINABASA MO ANG
Slide
Fiksi Umum[ Buenos Mafios Operations 1 ] [ Previously Titled "The Alphabet of Erotica Series #19: Slide" ] [ Wattpad Version Complete Chapters ] ••• Rated SPG - R18+ Bree Capri is a disillusioned sexy star. Hinahabol-habol ng mga lalaking gustong makatikim, h...