Chapter 21: Why?

25.7K 483 49
                                    

"BREE," habol sa kanya ni Manager Ken.

Nang matanaw siya ng manager sa gusali ng film company na pinagta-trabahuan ni Direk Karlos, panay usal ito ng Thank God hanggang sa makalapit ito sa kanya. Nang maramdaman ang presensya nito, mabilis na lumayo si Bree. She was in the middle of having second thoughts, but the sight of her manager going to stop her pushed Bree to just go for it.

Malalaki ang mga hakbang niya. Sigurado si Bree na nasa conference room na ang direktor at kinakausap si Krista, nagpipirmahan na ng kontrata, nagbi-briefing na ukol sa pelikula.

Oh no, she was not really sure.

But the height of her emotions were making her impulsive right now.

She could not believe it.

She was fuming mad on how she was blindsided by Krista.

Paano?

Paano nito nasulot ang role niya?

Ni hindi pa nga sila nago-audition!

Lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay.

Ano ngayon ang ginawa mo, Krista? Ano ang ginawa mo para makuha itong role na ito. Napalunok siya. Ano ang ginawa ko? Ano ang ginawa ko, Krista, noon para ganituhin mo ako ng paulit-ulit?

"Ma'am!" narinig niyang tawag ng receptionist. Nilagpasan lang kasi nila Bree at Manager Ken ang desk nito. Hindi malaman ng babae ang gagawin. "Ma'am, sandal lang po, bawal po kayong basta-basta pumasok sa mga conference rooms!"

"Bree!" hablot ni Manager Ken na kung hindi pa tumakbo, hindi siya maaabutan. Pinihit siya nito paharap dito. Kita niya na hindi handa ang lalaki kaya naman tanging jeans at t-shirt na asul lang ang suot. "Maghunos-dili ka! Hayaan mo nang ako ang mag-handle nito. Ako na ang maga-arrange ng meeting ninyo ni Direk para personal mo siyang makausap!"

Bree kept tugging her arm away, but Manager Ken just gripped it firmly.

"Pakiusap," mariin nitong saad.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakakausap si Direk Karlos Dimalansan!" matapang niyang saad na dinig ng ilang mga staff na napapadaan doon, kasama na roon ang receptionist na naka-high heels kaya malayo-layo pa nung hinabol sila.

"Bree, tama na," hila sa kanya ni Manager Ken.

"Ano'ng tama na?" panlalaki niya ng mga mata rito. "Hindi pwedeng ganito! Kausapin niya ako ng personal! Hindi iyong ikaw lang ang pinag-effort-an niyang kausapin ng personal!"

"Bree," bulong nito sa kanya, natampal pa siya dahil ayaw niyang makipag-eye contact dito. Now her glaring eyes locked gazes with his'. "Hindi ka ba nahihiya? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito!"

Natigilan siya at ginalaw ang mga mata para lang makumpirma na tama ang sinabi ng manager. She heard herself panting, felt her chest rise and fall faster than normal. Parang manginig-nginig pa rin ang buong katawan niya sa galit.

"Bree," frustration ang nasa tinig ng pagod na manager, "umalis na tayo."

Binigyan niya ito ng nagpoprotestang tingin. Naiinis na naman siya dahil parang kumikirot ang mga mata niya, nag-aamba ang mga luha. Umiling siya.

"H-Hindi! Hindi-"

"Shh!" saway nito.

"Ano ba ang problema?" hilig niya ng ulo. "Kakausapin ko lang naman siya, dahil baka may kung anu-anong sinabi iyang Krista na iyan para masulot ang role ko!"

"What are you talking about?" narinig nila ang tila iritadong tinig kaya napukol ang paningin nila roon.

Nakita nilang may kasamang security ang receptionist.

SlideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon