Chapter One

2.7K 59 17
                                    

We bow in chorus after that hot yet joyful performance.

"Grabe! This is the best collab ever since!" Sigaw ng isang fan na nakaupo sa VIP. Naghiyawan ang mga kasama niya dahil doon.

Ngumiti ako. Kaming lahat.

"Gwapo talaga ni king KM, jusko, mahihimatay yata ako sa mga ngiti nito,"

Humigpit pa ang akbay sa akin ng katabi ko. Though, he's all sweat still ang bango pa rin niya. Ang unfair! Bakit ganoon? Ang bango niya pa din.

Nilingon niya ako at nahuli ko itong nakatitig sa aking labi and then back to my eyes. He smirked when I noticed that. Lumapit pa siya sa akin ng husto at itinagilid ang ulo.

"Can't wait us to be alone," He whispered. He smirked more evilly.

Umiling ako at kinurot ang braso niyang nakaakbay sa akin. Napawi ang ngiti ko at nakanguso na ako ngayon.

"Heh! Shut up, Marcus," Bulong rin sa kaniya kaya natawa ito. Napatingin ang ibang Delta at kamiyembro ko sa kaniya.

"Stop staring, may mga nanonood," He chuckled at them. Natawa rin kami at itinuon ang atensyon sa libo libong fans ng DF at FL.

"We love you Delta Force x Fearless Ladies!" Sigaw ng isang grupo sa side at nagtilian ito. May mga hawak silang malalaking banner.

Mabilis rin natapos ang collab na naganap kanina at andito kaming lahat sa kwarto ng Delta Force. Sa isang side ang mga kasamahan ko at nagkukwentuhan. Sa isang side naman ang DF na naglalaro ng kung ano. Nandito ako sa may malawak na sofa kasama siya. And we are alone.

"Punta ka muna doon, Klein. Ayos lang naman," Sambit ko. Nakasandal siya sa aking balikat at tila walang ganang nilingon ako. I intertwined our fingers kaya napatingin siya doon. I smiled. My super precious ring is shining in my hand. Yung ibinigay niya sa akin last month.

"Tss. I don't want to go there. Puro laro lang naman ginagawa ng mga 'yan."

I sighed.

"Kainis talagang 'tong Manuel na 'to, ang tagal magreply!" Sigaw ni Ashey at itinaas pa ang cellphone.

"Baka may babae 'yang si Manny, Ash." Panunuya naman ni Trisha sa kaniya. Umirap siya.

"Hindi niya magagawa sa akin iyon," Mariin nitong sambit.

Umayos ako ng upo kaya pati itong kasama ko ay umayos rin.

"Kapag mabagal magreply siguradong hindi lang isa ang katext niyan," Zach murmured. Pero rinig namin iyon.

Nagkatinginan kami ni Klein. His serious eyes bore to me and then to his friend.

"What do you mean? Huwag ka ngang makealam," She said angrily.

Bago pa makasagot si Zach ay pumasok ang kaibigan ko. Si Audrey.

Not a good timing! I shifted on my seat because of nervousness. Gosh, di pwede ito.

Napatingin kami sa kaniya at dumiretso ito sa tabi ko. And then she smiled.

"Hey? May problema ba kayo dito, Bruha?" She whispered.

I bite my lower lip. Hinawakan ni Klein ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya. Nilapit nito ang mukha at bumulong, "I'll just go there,"

Tumango ako kaya kaming dalawa na lamang ng kaibigan ang nandito. Sasagot na sana ako ng sinagot siya ni Zach.

"Totoo naman? Men like him looks like heart breaker, ikaw rin. Unless, bulag ka?" Sarkastiko nitong tanong.

Napalunok ako at tinitigan si Audrey na ngayon ay natitig sa dalawa. Zach and Ashey.

I don't know what's going on with them but I feel sad and broken too because if Zach is completely blind to my bestfriend's feeling then I feel shit about it.

"Oh? Bakit? Selos ka Zach? Selos ka, huh?" She teased Zach that made him shut his mouth.

"Drey..." I whispered. Napatingin ako kay Zach na ngayon ay kinakausap nila Klein. Same as what they did to Ashey.

"W-Why? I already know about their status, Cy. M-Matagal na, di ba?" She smiled a bit. Hindi pa rin nakatakas ang panginginig ng kaniyang boses.

"I know he loves her. I-I know that," She swallowed hard and gave me a smile again.

Walang alam si Ashey sa paghanga ni Audrey kay Zach. Zach treated Audrey nicely too kaya nagtataka ako sa mga kinikilos ni Zach.

I hug my best friend.

"Shh, I love you, Drey."

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako. She chuckled when I hugged her tighter.

"Klein! Sige na, sabihin mo na sa akin. Ano pinag-usapan ninyo kanina? Nila Zach?"

Kanina ko pa siya kinukulit tungkol sa pinag-uusapan nila ng mga DF at alam kong tungkol iyon sa nangyari kanina.

"That's their problem. Zach can manage it," He said at pinaandar na ang kotse nito.

Ngumuso ako at sumimangot. Asus! Boys!

"Please? You know Audrey's feeling is my concern,"

Kinagat nito ang kaniyang labi ay hinuli ang kamay ko. Hawak hawak niya ang kamay ko habang ang isa'y nagmamaneho. Inilapit niya ang magkahawak naming kamay sa kaniyang labi at hinalikan ito ng marahan. I stared at that.

Paulit ulit niya iyong ginagawa at nilingon ako. Pumungay ang mata niya ngunit seryosong seryoso pa din.

"I don't want to stress you but If that's what my fiancee wants, then..." Bumuga siya ng isnag malalim na hininga at nilingon ako muli.

Hinarap ko siya. I smiled wider. Hindi ako matitiis nito, e. Pinulupot ko ang aking kamay sa kaniyang braso at niyakap ito. I heard him utter a soft curse. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa aking buhok.

"Ano na?" Tanong ko pa din habang nasa ganoong posiyon. My eyes bore directly on the road.

Hinalikan niya pa ang buhok ko at nagtagal muna iyon doon.

"Sabihin mo na, please?" I said softly.

"He just told us that he's just concerned to Ashey." Panimula nito.

Napaalis ako sa pwesto ko at umayos ng upo. Nanlaki ang mata kong nilingon siya. He pouted. My eyes drifted to his lips. Nag-iwas ako ng tingin.

"But Ashey has a boyfriend!" Giit ko.

"Hey, come here." Aniya. Tinutukoy ang posisyon namin kanina. Tsansing na ito, e!

"Mas okay pa sana kung si Audrey nalang! Audrey is pretty!"

Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga daliri dahil sa inis.

Inilahad niya ang kaniyang kamay at hinila ako. Sumubsob ako sa kaniyang dibdib at ngumuso. He chuckled.

"Baby, they are just friends. Don't worry about Audrey." Malambing niyang sinabi.

"Yes. Ashey has a boyfriend at malabong magustuhan siya ni Zach. You know. Nakakabatang kapatid lang ang turing ni Zach doon."

Hindi ko alam ngunit that made me feel relief.

Tumahimik na lamang ako at dinamdam ang yakap niya. Niyakap pa niya ako at iisang kamay lang ang gamit sa pagmamaneho. Hinawakan ko ang kamay niya at mas ipinalupot sa aking tiyan.

"You can sleep. I know you are tired."

Nilingon ko siya at nagtama ang ilong naming dalawa. I chuckled. Ngumisi rin siya dahil doon.

I know he is too.

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinatakan ang pulang pula niyang labi ng isang halik. Mas sumeryoso siya dahil sa ginawa ko. Lalo na nang malambing at mahina akong tumawa.

I kissed him again.

"Stop it, hindi ako makakafocus nito," He smirked.

Ngumuso ako sa sinabi niya. Pinatakan ko ng ilang beses ang kaniyang labi at ang kaniyang pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"So naughty," Iling niya sa akin.

"I love you," I chuckled more.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon