He cooked our food.
Nahiya naman ako dahil sa ginawa niya, yes I can cook but not as delicious as this.
Ngumuso ako at inirapan ang sarili.
Nilingon niya ako habang kumakain kami at ngumisi.
"Why you look like that? Hindi ba masarap..." He said.
Umirap ako at sinulyapan rin siya. "Yabang!"
He chuckled and held my hand.
"I'm just wondering why you cook so well when I'm not! This life is unfair!" Irap ko.
Tumawa siya at kinagat ang pang-ibabang labi. Nag-iwas ako ng tingin at sinubo na lang ang natitirang pagkain sa pinggan ko.
He done with his food and he is now drinking his wine.
"Hmm you're good at cooking. I know that."
"Sinasabi mo lang 'yan dahil ayaw mong marealize ko na tama ako. But it's okay! I'm just wondering." Bawi ko at tuluyan ng inubos ang pagkain sa aking pinggan.
He shifted on his seat. One smile suddenly plastered on his face.
"You know...I can still teach you. I'll be interested to teach you." He smirked.
Bahagya naman akong napatigil dahil sa kaniyang sinabi.
"Really? When?" Bigla kong sinabi.
Mas lalo siyang ngumisi dahil doon. My face heated when I realized what just I did.
"I-I mean...uh...of course you will t-teach me so I'm asking when...uh you'll teach me?" Nag-iwas ako ng tingin at uminom na ng tubig.
Naramdaman ko ang pagtayo niya at napa-angat rin naman ako ng tingin. He carry his chair beside mine.
"You still go shy on me, hmm?" Aniya sa isang nakakatuksong tinig.
I can sense that he sounds happy.
"Uh...oo naman...I mean, s-syempre."
Pinaharap niya ako kaya magkaharap na ang katawan namin ngayon. Mabuti nalang at natapos na ako sa pagkain.
He lifted my chin up. "Don't be. I am your future husband so everything between us is our business." He said softly.
I looked at him and leveled his intense.
"And you are most important business that I have so baby...leave it all to me."
Manager M called for a meeting para yata sa concert namin sa sa MOA.
"Call me after your meeting. Okay?" Klein reminded me.
Tumango ako at ngumiti. "Okay! Mauna na ako," Sabi ko at inilapit ang mukha para mapatakan ng halik ang kaniyang pisngi.
Ngumisi siya sa ginawa ko at kinagat ang labi. My face heated.
"W-Why?" I asked him. He shook his head and kissed my forehead once more.
"Guys! We need to start our practice today,"
Tumayo si Mia at nangingiting tumalon.
"Oh! I love practicing!" Humalakhak siya.
Umirap naman ang iba kong kagrupo sa sinabi nito. She loves food actually. Hindi ko rin maiwasang umirap.
"You love practicing really Mi? But in the end... natutulog ka," Si Xyla na kinukulit si Ashey sa tabi nito.
Tumawa kami at sumang-ayon sa kaniyang sinabi. Umirap lang si Mia at ngumuso.
"Sana all may naghahatid sumusundo rin tuwing practice." Malungkot na sambit ni Trisha at nilingon ako.
Hindi ko mapigilan na tumawa. "Edi sagutin mo na kasi si Jack. Pinapatagl mo pa, e." Panunuya ko.
Mas lalo kaming nagtawanan. Maski na tuloy si Manager M. natatawa. Ganito kami tuwing meeting, mas maraming chikahan.
"Guys! Stand up! Let's move. Tama na 'yang chikahan," Si Kwiny nang makitang hindi na talaga huhupa ang tawanan namin.
"KJ naman ni Kwiny!" Reklamo ni Mia.
Tumawa kaming lahat. Kwiny glared us kaya napatayo na lang din kami.
"Charot lang, 'eto naman, i." Si Mia.
Napailing nalang ako at sinimulan na naming magpractice.
"I wanna see the swag, girls!" She shouted.
Seryoso akong nakatingin sa repleksyon ko sa malaking salamin na nakaharap sa amin. Kita ang buong studio.
Halos kaming lahat ay doon rin ang tingin.
"Good! Nice one! Okay turn and change step!" Aniya at mabilis rin namin ginawa ang sinabi niya.
I bite my lip when I felt the sweat on my neck.
Nararamdaman ko rin ang pagod ko kaya mas sumeryoso ako para mabilis itong matapos.
Nagpaharap si Ashey at nasa huli naman ako nang lumiko silang lahat ay ang solo part ko. I focus more and gave my best shot.
Umikot naman si Trisha at saglit na nagsexy dance.
"Very good!" Si Kwiny at pumalakpak pagkatapos naming isayaw ang kantang ibinigay niya.
"Ambibilis niyo palang mag-choreo, e." She smirked.
Hinihingal pa ako ng naupo ako at uminom ng tubig.
Hawak ni Mia ang puting towel at nagtaas ng kilay kay Kwiny. "Relax lang kasi, parang wala kang tiwala sa amin, ah." Aniya at tumawa.
"Siguraduhin mo lang, Mia, ha. Libo libo ang dadalo sa concert niyo next next month at ayaw ko na masayang naman ang bayad ng mga fans niyo,"
Nakinig ako sa sinabi niya at inayos ang sarili. Mukhang nakapagpahinga rin na ang mga kasama ko at balik pang-aasar na naman kay Kwiny.
"Yes naman! Am so excited na nga, e." Aniya at tumawa ulit.
"Wala bang collaboration sa sa ibang artist diyan Miss M? Baka lang naman..." Si Trisha.
Xyla laughs so hard and we turn to her because of that. "Uh. Yung Hwarrios Miss M, ha? Yung isa mong dalaga diyan may gusto yata sa isang member 'non." Aniya pa.
Nagulat ako roon at napatingin kay Trisha. The who?
Trisha blushed.
"Naku! Ako nalang yata ang maiiwan na single, ah." Si Miss M.
"Oy! Di ah, baka naman si Mr. Lee ang iyo, ehem!" Kwiny said somewhere.
Nagtawanan kami at nilingon si Miss M na ngayon ay pulang pula.
Ilang beses pa kaming sumayaw kaya ramdam na ramdam ko na ang pagod ko. Sa hindi namin pagpractice sa ibang araw at kailangan talaga naming bumawi ngayon.
"How's your practice?" He immediately asked when he reached me.
Ngumiti ako at sinalubong siya. After practice namin, kaagad siyang nandito pagbaba ko palang sa studio.
Ninamnam ko ang higpit ng yakap niya at naramdaman ko naman ang paghalik nito sa aking buhok at tenga.
"Fine...baka next week magiging busy na ako," Namamaos kong sambit nang humiwalay ako sa yakap niya.
Matagal siyang tumango at tumitig pa ito sa akin.
"H-How about you? You okay?" I said softly.
Hinawakan niya ang likod ko at nilapit ang kamay sa aking buhok. Inilagay nito ang takas na buhok sa likod ng aking tenga.
"It's good. Come on, let's go. You need to rest," He said seriously.
Napangiti ako kaya nilingon niya ako.
"Why?"
I shook my head. "Wala, baka lang gusto mo munang kumain tayo?" I said.
He remained serious. I heard him sighed a bit.
"I'll buy your food and I'll take you home," aniya.
Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Why me? Akala niya siguro ay gutom ako. Magsasalita na sana ako nang naunahan niya ako.
"You're tired. Let's go, baby."