Today is the day!
Our meet and greet with our fans is one of the greatest experience that I love.
We are being successful because of their undying love and support. They are the best actually.
Nakatingin lamang ako sa repleksyon ko sa salamin habang inaayos ang buhok ko. We are at the backstage at hindi iisa ang kwarto namin sa kila Klein.
"Nakakatawa yung isang fan na nagbigay ng bra kay Mia. Girl, alam na alam talaga nila pangangailangan mo," Pang-aasar ni Xyla kay Mia.
Nilingon ko si Mia at tumawa na rin.
"Excuse me, di flat itong akin, 'no. Sadyang maliit pero...meron pa rin." Pagtataray niya.
Mas lalo kaming natawa.
Maya-maya pa ay nilapitan ako ng isa sa mga Head ng MG na ito.
"Ma'am may naghahap po sa inyo, nasa labas po ng room niyo," Mahinhin na sambit niya.
Sino naman kaya? And we can't go outside lalo na at magsisimula na ang program. Naririnig na rin namin ang master of ceremony na nagco-conduct ng q and a games.
"Am I allowed to go outside pa ba?" I asked her back.
Kinagat nito ang kaniyang labi at umiling.
"Yun nga po, e...mapilit po kasi si ma'am," Aniya.
Ma'am?
"Sino po ba yun?"
"Guys, done na ba lahat? Tayo na kayo at start na ng program." Si Manager M.
Tumango kami kay Manager at tumayo na nga. Nilingon ko muna si ate para sa sagot niya.
"Wala po, nakalimutan kong itanong,"
I sighed. Tumango na lamang ako at sumunod sa kagrupo ko.
"Okay and now, let's welcome the Delta Force!" Umingay ng husto ang silid at sari-saring pangalan ng DF ang naririnig namin.
"Kalma guys, makakasama natin sila ng isang oras kaya kalma muna," Natatawang awat ng MC.
Pero ayaw pa rin paawat ng fans at nagtitilian pa rin.
"Without further a do, let's give around of applause for the hot and sexy Fearless Ladies!"
"Oh my gee! Idol!"
Sabay sabay kaming nagsilabasan at mas nagtatalon ang iba ng makita kami. I saw some couple of our solid fans out there. Ang banner ng DF ay halos ilang tao ang nagtataas
dahil sa laki at marami pa ring nakapaligid na fans na may mga different shirts.Sa isang side naman ay ang mga fans namin na may mga banner rin. Kasing dami rin iyon ng DF.
Punong puno ang MOA. Parang pwede nang magconcert.
Nahanap ng paningin ko si Klein na kanina pa pala nakatingin sa akin, bumaba ang tingin niya sa damit ko at ngumuso.
Napailing ako at nilingon uli ang fans.
"This way po ma'am," Ani ng isang security at inalalayan kami sa aming pwesto.
Magkahiway ngunit magkaharap ng kaunti ang pwesto namin ng DF. It forms V line.
"Wow! Ang gaganda at g-gwapo naman ng mga elite artists natin, they all look gorgeous and manly with their suits."
Malapit na pala ang Christmas and this MG is one of our thanks giving for our fans.
Binuksan ko ang cellphone kong kanina pa naka-off. I forgot to turn it on a while ago. Saktong pagbukas ko ay bumungad sakin ang text message ni Klein at isang missed call ng isang unregistered number.