"Please, Cy? Please. Isa nalang. I really love your bikini." Ngumuso si Via at panay ang pilit na kuhanin niya raw ako ng litrato.
Umirap ako at sumimsim sa orange juice ko.
"Your skin is so tan now and it's very perfect. Ang bilis ma-tan ng skin mo." She added.
Wala akong nagawa ng hilahin niya ako mula sa pagkakahiga.
Pumwesto siya at inayos niya ang camera niya.
"In 1..2..3..."
I just craned my head and I seriously looked at her camera.
"Perfect! You're so pretty,"
Umiling ako at pinagmamasdan siyang may kung anong ginagawa sa kaniyang camera.
"I advice you to reactivate your account and post it."
Dalawang taon na ako sa LA and as what she said naging tan nga ang kutis ko dahil palagi kami ng mga pinsan ko sa beach.
Nagustuhan ko na rin ang pagpunta sa mga dagat at tuwing naririto ako ay kumakalma ako.
Wala akong balita sa mga naiwan ko sa Pilipinas except for my Family and Audrey.
Madaming nagsilabasan na fake accounts ko rin at kaya mas pinipilit nil Via na gumawa ako ng panibago o ireactivate ang account ko dahil pa raw mahinto na ang mga fake news tungkol sa akin.
Some says, I have a boyfriend. Alam mo yun, mapayapa akong namumuhay rito sa LA tapos gagambalahin na naman.
"Please, post it. Ganda mo dito, o!" Pagpupumilit pa rin ni Via.
Huminga ako ng malalim at ibinaba ang orange juice ko.
"Fine. Fine..." Walang gana kong sabi at kinuha ang phone ko.
I reactivate it. I deleted some of my photos and I change the profile of my Instagram. Pati na rin ang Twitter ko pinalitan ko ang header at ang profile.
Via tag me in a post. Napatingin pa ako sa kaniya at nakita kong ngumisi siya sa akin. Ilang segundo palang iyon.
viaimperial:
This is the real account of Cyrene. Deact na mga fake accounts.
Napailing ako sa sinabi niya at sinabayan nalang din siya.
cjimperial:
Thank you, bish. I'm back by the way lol.
Isang swipe lang ang ginawa ko at sobrang dami nang nagkomento roon at nagreply sa comment ko. I never bother to read it all or at least looked at their comments.
I posted my picture naman yung kanina lang na binigay ni Via sa Instagram.
cyrenejade:
'never look back, focus' I wrote it as my caption.
Via again commented.
itsviaimperial:
Agh! If I were a boy liligawan ko 'to. Btw, yas, never look back. Power! Lol.
audreyyy:
I miss you, girl. Uwi na.
I replied at Via's comment.
cyrenejade:
Oh sorry! I have no time, Miss.
hansimperial:
Baba niyo na phone niyo @itsviaimperial, maligo na tayo. Come on!
Napailing ako sa sinabi ng pinsan ko at ibinaba na nga ang phone ko. Nilingon ko kung nasaan sila at nakita ko na papunta na sila sa dagat at tila maliligo na nga.