Chapter Thirty-Eight

877 26 6
                                    

Kinaumagahan, nagpasiya akong dalawin siya since kagabi ay umuwi ako kaagad.

Nagdala ako ng pagkain lalo na mga prutas para sa kaniya.

"I'm sorry Cyrene. Mali lahat ng iniisip mo, mali lahat ng nangyari dahil una sa lahat, hindi ka talaga niloko ni Klein.." Umiling si Manager at yumuko saglit.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko habang patuloy na nagkwekwento si Manager.

Hinarang ako ni Manager ng papasok palang sana ako sa hospital.

"Manager! Tapos na ako rito. Wala na kami ni Klein at please lang, tigilan na natin ang nakaraan." Nanginig ang boses ko at umiling kay Manager.

"Anak, makinig ka sa akin. Sasabihin ko lahat dahil ayokong nakikita kayo pareho na nasasaktan. We are all fooled by the culprit!" Giit niya kaya napahinto ako at tumingin sa kaniya.

"Kilala mo kung sino ang nagtangka sa buhay ko?" I asked her.

She nodded immediately.

"Si Cid."

Nanlaki ang ko at umiling. "No! Bakit siya nadamay rito?"

Huminga ng malalim si Manager at tila inaayos ang sasabihin sa akin.

"Noong una, it was me who wanted to be on top. Ginawa kong rason ang pagkacoma ng anak ko para pilitin kayong sumali sa battle. Hinangad kong maging mas tanyag at maging kilala..." Mapait na ngumiti sa akin si Manager.

Nangunot ang noo ko at nalito sa sinabi niya. Hindi ako kumibo upang magpatuloy siya.

"Everything changed ng malaman ni Klein ang balak ko. Pero dumating ang anak ko, si Mika, alam ko ang ginawa ni Mika sa inyo ni Klein, Cy." She added.

Still, hindi ako kumibo at nakinig nalang.

"Kilala ni Mika si Cid, kwento ni Mika na matagal ng may gusto si Cid kay Klein. Sa sobrang pagkabaliw ni Cid kay Klein ay naisipan niya na kausapin ang ama niya para malayo ka kay Klein..."

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Her father is a drug lord." Biglang sambit ni Manager kaya natakot ako roon.

"Mika told us that detail. Huli na rin ang lahat ng malaman ko na kasali si Cid sa battle so I contacted Klein to flew in Europe. And he immediately did." Ngumiti pa si Manager.

Oh! I remember. Yung nagtataka ako kung bakit bigla sila ang guest sa gabing iyon ng battle. He fled that immediately?

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Manager. Bakit hindi ko alam na ganito pala?

"Wala kaming ibang maisip na paraan kung hindi ang palabasin na hiwalay kayo ni Klein. Para tigilan ka ni Cid at mahuli ang ama niya. Mika and Osid planned your break up. Alam kong sobra kang nasaktan roon at gusto kong malaman mo na hindi totoo lahat ng 'yon."

Bumilis ang tibok ng puso ko at para akong bibigay na naman.

So..Mika help all through the years. Napailing ako dahil hindi makapaniwala.

"Klein really loves you, Cy. Ginawa niya lahat para sayo, para maligtas ka. Kinalaban niya lahat..."

Nanggilid ang luha sa mata ko at hindi ko na napigilan iyon. Until now. He again save me.

"Nakita ko na sobra siyang nasaktan noong naghiwalay kayo. Maniwala ka sa akin, mahal na mahal ka ni Klein.."

Agad kong pinunasan ang luhang pumatak sa aking mata at napalunok. Sobrang sakit na ng lalamunan ko dahil pinipigilan ko ang paghagulhol.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon