Mukha kaming tanga ni Audrey habang nakaupo sa likod ng sasakyan ko.
"Nagawa ko lang namang itago yun kasi alam kong hindi kami magtatagal..." Umiling siya at yumuko.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Kasi nararamdaman kong hindi siya sigurado sa akin. Hindi ako ang gusto niya...pero umasa pa rin ako." Nilingon niya ako at sinubukang ngumiti.
Hindi ako tumango o ngumiti, maski'y umiling. Nilapitan ko lamang siya at hinaplos ang likod.
"I'm so down, Cy. I'm so down. W-Wala akong malapitan, w-wala akong masandalan..." She cried.
Umiling ako. "I'm sorry...I'm sorry too,"
"Kaya rin siguro mainit ulo ko noong nagtalo tayo dahil...d-dahil..." Pumiyok ang boses niya at mas mahina ang pagkakasabi niya noon.
Mas nakuryoso ako sa kaniya.
"M-My Mom and Dad d-decided to...they decided to s-seperate ways..." Mas humagulhol siya noon.
Hindi ko alam pero kaagad ko siyang niyakap sa narinig. I hug him tight as I closed my eyes. Feeling the pain she was carrying on her chest.
"Oh my...sorry. I'm sorry." Paulit ulit na wika ko.
Umiling siya sa akin. Naging tahimik kaming pareho habang yakap yakap ko siya, ng mahimasmasan ay kumalas siya sa yakap at sinubukang ngumiti.
"Kailan lang 'to, Drey?"
Huminga siya ng malalim. "It's been a months now,"
"The same date when we fought?" I asked her.
Tumango siya sa akin. "The same month but kaka-hiwalay lang nila noong nag-away tayo."
Medyo umayos naman na pakiramdam niya kaya nakakapagkwento na siya ng maayos.
"I'm sorry, Drey. I'm really sorry." Hinawakan ko ang kamay niya.
Umiling siya at hinawakan rin ang kamay ko. "No, Parang hindi mo naman ako kilala. I...I maybe broken but I'm fast move on-er?" Sambit niya at natawa pa sa sinabi.
Natawa din ako at huminga ng malalim.
"E kayo ni Zach? Kailan lang pala?"
Inayos niya ang buhok niya at ngumuso. "Nakakatawa nga, e. Para kasing nilalaro ako ni tadhana." She laugh.
"What do you mean?"
"Kung kailan naghiwalay ang parents ko, doon ko rin inihinto ang mayroon kami." She laughs more.
"Plano ko namang sabihin na sayo tungkol sa amin pero nagbago isip ko noong nakakaramdam ako na parang hindi totoo," She explained.
"Drey, maybe...maybe you misunderstood him, he loves you..." Mahinahong sambit ko.
Umiling siya sa akin. "Akala ko nga rin, e."
Nakita niyang kumunot ang noo ko kaya nagpatuloy siya.
"Yes, akala ko rin pareho na nga kami ng nararamdaman. Akala ko gusto niya na ako. His actions told me and made me feel he loves me but I'm wrong...I know I am," Mapait na aniya.
Nakatingin lang siya sa paligid at wala ng luha sa mga mata niya. I've known her for being so brave at ang makita siyang ganito ngayon na wasak sa harapan ko ay parang kakaiba. I called him immature without knowing...she grew more than me. Guilt crept on me.
"Ipagyayabang ko pa naman sayo noon na napansin niya na rin ako, and then I realized hindi talaga pareho ang takbo ng istorya natin," Iling niya.
"He never utter those three words that I wanted so much to hear. Gustong gusto kong mapakinggang yun sa kaniya. Sabi ko pa sa sarili ko, kapag ito talaga sinabi nito, sigurado na ako...but it never came," Aniya pa at sa akin tumingin.