"I will drive you home." He announced.
Nagsisialisan na ang mga bisita at nagpaalam na rin ako kila Manager Matilda at sa ibang FL. Kanina pa niya sinasabi na ihahatid niya ako pero ayaw ko.
Maiiyak lang ako kapag mapag-iisa kami.
"I can drive, Klein! Dala ko ang sasakyan ko."
Hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap.
"Don't be so stubborn. I will drive you home and that's not a question." Mariin niyang sinabi.
Nainis ako dahil doon.
"And I can drive myself and that's not a question too!" Tumataas na ang boses ko kaya natahimik ako saglit.
"What's bothering you? Please, let's talk." Pagsusumamo niya sa sakin.
Huwag kang bumigay, Cyrene! Bruha ka!
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Klein!" Sabay kaming napalingon sa sumigaw ng kaniyang pangalan.
It's Diane.
Mabilis ring ibinalik ni Klein ang titig sa akin.
"Nandito ka pa pala. Mabuti nalang!" She laugh and looked at me. "Hi!"
Huminga ako ng malalim at nginitian Rin siya. "Kung may pag-uusapan kayo, mauna na ako. May gagawin pa kasi ako." I said.
"Oh! Hindi ka sasabay kay Klein?" Tanong niya. Nahihimigan ko ang saya sa kaniyang tono.
"No. Sasabay siya sa akin at kailangan na naming umalis." Klein said seriously.
Natigilan si Diane at namula. "O-Oh! I-I just thought. Sorry." Mahinang paghingi niya ng paumanhin.
"Mauna na ako, Klein. M-May pag-uusapan pa yata kayo." Napalunok ako. Normal lang naman ang pagsasalita ko pero tila alam niya na may problema ako sa kaniya.
"Sa akin ka sasakay. Mag-uusap tayo, Cyrene." Seryosong aniya. Nakatingin pa rin siya sa aking mga mata. Nag-iwas ako ng tingin at tumahimik.
Umirap ako. Nakakainis!
"Ano ba ang sasabihin mo, Diane?" Klein asked her.
The way he mentioned her name seems like they really knew each other. For a long time.
"Si Daddy kasi, he wants you to visit him. So...if ayos lang sayo you can come to our house." She said. Smiling at Klein.
Tila hangin ako sa kanila kahit na hawak hawak ni Klein ang kamay ko.
At ayoko ng ganitong pakiramdam.
"K-Kung hindi ka naman pwede...ayos lang. I'll tell him." Aniya at tumingin sa akin.
Sa paraan ng pagtingin niya ay nakuha ko agad ang gusto niyang sabihin.
Tumikhim ako. "Hawak niya naman ang oras niya. It's up to him." Sambit ko.
Mahinang tumawa si Diane at nginitian ako. Naramdaman ko ang pagtingin ni Klein sa akin.
"I'll see, Diane. Send my regards to your Dad." Klein said. Ngumiti si Diane at nagpasalamat pa ng ilang beses.
Naiinis ako dahil alam kong pinapatagal niya ang pakikipag-usap kay Klein.
Nakahinga naman ako ng maluwag ng bitawan niya ang kamay ko at inalalayan pang makapasok sa front seat ng kaniyang sasakyan.
"Can we talk first? Tell me what's bothering you, baby..." Mahinahon na aniya. Nandito kami sa loob Ng kaniyang sasakyan.
"Wala! Magdrive ka nalang. Inaantok na ako!" I ended immediately our conversation dahil baka mapunta ito agad doon. Natatakot ako.