Nadatnan ko sa practice room sina Mia na nakaupo lamang. Si Kwiny naman ay may sinasabi kila Ashey.
Nangunot ang noo ko.
"I thought we're gonna practice?" Tanong ko. Mahina ang pagkakasabi ko pero dahil closed room ito ay tila malakas na.
Napatingin sila sakin. Mia wave her hands and called me.
"May pinag-uusapan si Manager pati iyong step daughter niya, kasama yata yung Osid...ewan ko," aniya at nilantakan ang chips sa harapan niya.
Nilingon ako ni Kwiny at nginitian lamang.
"Oh, nandito na pala kayong lahat, I'm sorry sa abala. You may now take your practice," Si Manager na tila problemado.
Hindi niya kasama si Mika dahil walang Mika na pumasok sa loob ng silid.
"Ayos na kayo ng anak mo, Manager?" Si Mia na umiinom na ngayon.
Napailing ako sa sinabi ni Mia. I glare at her. Chismosa talaga.
"Yeah. We just talked about something," Aniya.
"Proceed."
Tumango kaming lahat at umayos na nga si Kwiny. Nakaupo lamang si Manager kung saan kami nakaupo kanina ni Mia.
"Don't let your hair cover your face if ever na may maglulugay. Comb it like this and just continue dancing."
Sumayaw si Kwiny at ipinakita iyon sa amin. Kwiny is popular all over the world too. She's a world class dancer.
Tumango kami sa sumunod na itinuro niya. Nahirapan kami sa ilang parts dahil sa bilis ng tugtog.
We rehearse about an hour and we're done.
"Kaya naman siguro i-clearing yan by tomorrow, madami pa naman tayong time para ayusin and I know you can do it."
Dinismiss kami ni Kwiny ngunit si Manager ay may sasabihin pa raw sa amin.
"Tomorrow, may pupuntahan lang ako saglit and didiretso na ako dito, I want that when I arrived makikita ko na nagp-pratice na kayo. Let's focus muna, wala munang chismisan." Sambit niya. Natawa kami sa huli niyang nasabi.
"Baka naman may pameryenda diyan," Parinig ni Mia.
Nagtawanan kami at napailing. Mia is the joker in our group. Hindi iyon halata sa itsura niya pero siya yung pinakamakulit sa amin. She's the source of happiness in our group. Yes.
Natawa rin si Manager. "Syempre meron!" Ani Manager kaya nagsigawan kami.
"Iba talaga ang Manager M. kaya ka siguro nagustuhan ni Mr. Lee," Sagot naman ni Mia. Hindi humupa ang tawanan namin dahil panay ang sagot ni Mia sa kaniya.
"Tigilan mo ako Mia kung hindi, wag ka ng magmeryenda. Madami pa naman akong binili." Irap sa kaniya ni Manager M.
Mia sew her lips in air and it made us laughs more.
"Sino na kukuha roon? Nasa room ko. Heto ang card," Si Manager at inilabas ang card niya.
"Laki talaga ng tiwala mo sakin, Manager!"
"Kami na ni Cyrene, Manager. Tara na, Cy!" Nagulat ako ng anyayahan ako ni Kwiny.
Ngumuso ako at walang nagawa.
Mabilis naman kaming umalis ni Kwiny at nilakad pabalik ang kwarto ni Manager. Medyo malayo yun at lalampasan ko pa ang kwarto ko.
"Hi, Cyrene!"
Cid is smiling widely at me while waving her hands.
Nagkatinginan kami ni Kwiny pero walang sinabi si Kwiny. Nilapitan ako ni Cid at niyakap.