Chapter Thirty-Seven

770 26 5
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"

Sinubukan kong hindi manginig ang aking boses lalo na noong tinapunan niya ako ng kaniyang malamig na mata.

He looked at me like I'm such an idiot for asking him that question.

"I'm not following you." Aniya at inilabas ang kaniyang sigarilyo.

Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinisindihan niya iyon. Naninigarilyo na pala siya ngayon.

"Asan na ba yun?" Bulong bulong ko at walang makita sa kaibigan. Saan ba siya nagsuot?

"You should not trust easily. Kaibigan mo yun?" I heard the man beside me talk again.

Ako ba kausap nito? Luminga linga pa ako sa paligid para tingnan kung ako nga ang kausap.

I looked at him and I saw him smirking at what I did. I rolled my eyes.

"Wala kang karapatan para pangaralan ako tungkol sa pagtitiwala. Ikaw nga pinagkatiwalaan ko pero anong ginawa mo?" I smiled sarcastically and I bravely stare at him.

Nawala ang ngisi niya at nakita ko pang itinapon niya ang naubos na sigarilyo.

"That's why I'm telling you." Giit niya at kumuha ng panibagong stick ng sigarilyo. He lean to the sports car beside him and he gaze at me.

Ang kapal naman ng mukha niya para kausapin ako ng ganito!

Akala mo wala siyang kahayupan na ginawa na sa akin. Teka, bakit ko ba siya kinakausap. Hindi ko dapat kinakausap ito.

Umirap ako at luminga linga pa rin upang makita si Cid.

Ilang sandali pa ako roon at nakitang hindi rin umaalis si Klein sa sinasandalang sasakyan.

Umihip ang hangin kaya naramdaman ko ang lamig ng gabi. Niyakap ko ang sarili at ibinaling ang mata sa maliwanag na buwan.

Ang ganda.

"It's late you should go home," Utas ni Klein kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita kong seryoso ang titig niya sa akin kaya kumalabog ang dibdib ko at nag-iwas ng tingin.

He's starting a conversation, didn't he? Para saan pa? Ang kapal niya talaga.

Hindi ko muling maiwasang mapairap.

"Wala kang pakialam. Ano pa bang ginagawa mo rito? Inaantay ako? Sorry not sorry. Hindi na ako babalik sayo." I harshly uttered. Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko sa huli pero nasabi ko na.

I heard him chuckled because of my words. Masama ko siyang tiningnan.

"I'm not done smoking, Miss. Hindi kita inaantay at..." Ngumisi siya sa akin at pinigilan ulit na matawa.

Hindi pa tapos manigarilyo? Seryoso ba 'to. Isang kaha ba ang uubusin niya para masabing tapod na siya.

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya at hindi na napigilan ang sarili na sumbatan siya.

"Ang kapal ng mukha mo! You're talking to me like nothing happened huh? You are really a heartless man. Ewan ko nga kung bakit kita nagustuhan. Ang sahol ng pag-uugali mo!" I shouted at him. Nanubig ang gilid ng mata ko dahil sa nararamdaman.

"How could you do it huh? Harapin ako na parang walang nangyari? Kausapin ako na parang hindi mo ako ginago?"

Tumawa ako at bumagsak na nga ang maiinit na luha sa pisngi ko.

Bigla nagbago ang itsura ng mukha niya at naging seryoso bigla.

"Mahiya ka naman kahit konti, Klein. Niloko mo ako, eh. Niloko mo ako!" Iling ko at pinunasan ang luha.

Hindi siya kumibo at pinapakinggan lang ako. Nakatitig lang siya sa akin at seryoso pa rin ang mga mata.

Ilang sandali pang tumahimik ako at pilit na kinakalma ang kumakabog na dibdib.

Tahimik lang kaming dalawa.

"Klein! Oh my!"

Nakita ko si Klein na mabilis na itinapon ang sigarilyo sa kung saan at nakita ko itong nagulat.

Napatingin ako sa sumigaw at nakitang si Steph iyon.

Nanlaki ang mata ko ng kaagad na hinila ako ni Klein at mahigpit na niyakap. Nakulong ako sa mga bisig niya. Sobrang higpit ng yakap niya.

Ilang tili at sigaw ang narinig ko ng malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. It was two shot and it was very loud.

Naramdaman ko ang pagyakap ng mahigpit  lalo ni Klein sa akin.

Mabilis na nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang nangyari.

He got shot!

No way! No!

"Habulin niyo!" Rinig kong sigaw ni Zach ngunit nkatulala pa rin ako habang tinitigan si Klein na nakayuko na ngayon sa akin.

Nakapatong ang ulo sa aking balikat at naramdaman ko ang mabilis na paghinga niya.

Gumalaw siya at sinubukan pang tumayo. Nakayuko ako at natulala. Marahan niyang inangat ang baba ko para magkatinginan kami.

Namumungay ang mga mata niya habang tinititigan ako.

"Are you okay?" Bulong niya kahit na nahihirapan.

Hot tears pooled in my eyes as I looked at him.

"O-Okay ako..." Namamaos kong sambit at mas lalong naalarma ng makita ang dugo sa damit niya.

Kailangan madala siya agad sa hospital!

"Oh my! Klein!" Steph cried as she near us. Takip nito ang bibig at umiiling.

"Gago bilis! Nasaan na? Bilis!" Natatarantang sigaw ni Fourth at nakita ko pang may kotse na sa harapan namin.

Nakatunganga pa rin ako habang nakaupo sa bleachers rito sa hallway ng hospital. Nakaupo rin ang lahat ng Delta habang si Steph ay kanina pa paikot ikot.

Nakatulala pa rin ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nangayari.

Ako yung puntirya! Sino ang gumawa 'nun? Sino ang may masamang loob na gawin sa akin iyon?

If he didn't cover me, ako dapat ang natamaan.

Kinagat ko ang labi ko at napayuko. What did he do! Bakit ganoon?

"He'll be okay..." Audrey whispered beside me. Hinaplos niya ang likod ko at tinapik pa.

Hindi ako sumagot at nagdasal na sana walang mangyaring masama sa kaniya.

"Sino ang family ng patient?" Napatayo kaming lahat ng biglang lumabas ang doctor.

It's been an hour! Kumusta kaya siya?

Napatingin sa akin si Audrey at nginuso ang doktor. Napalunok ako at hindi alam ang gagawin.

"We are his friends po. How's he?" Si Steph ang sumagot sa doctor.

The doctor sighed and uttered. "To be honest, mahirap naming natanggal ang isang bala sa katawan niya dahil nasa sensitive na part iyon..." Tinanggal pa ng doktor ang salamin niya at nagpatuloy.

"Oh my...I hope he's fine.." Nag-aalala na sambit ni Steph.

"Marami ring dugo ang nawala sa kaniya. But then, we made it. Natanggal namin iyong bala at stable na siya ngayon..." He added.

I felt relief because of what he said. Napapikit ako at mariing kinagat ang labi.

Tinanggal ko ang stilletos ko at nagshower pag-uwi ko sa bahay.

Nauna akong umuwi at naiwan ko pa roon sila Zach at Audrey. Zach informed Klein's parents about him that they immediately fled to the hospital.

Ano kayang iisipin ng mga magulang niya sa nangyari, dahil sa akin napahamak ang anak nila.

I felt guilty because of what happened. Of course, he saved me from the bullets that's for me.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon