Chapter Thirty-Nine

970 29 4
                                    

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Seryoso kong tanong habang nakaupo sa kama niya.

Kinulong niya ako dahil hawak nito ang magkabilang kamay ko habang nakaharap sa akin. Nakaupo siya sa upuan at ako ang nasa kama.

Nakaharap siya sa akin at nakatitig lang.

"You are so unfair! I thought you broke up with me just because of that photos. Nakakainis ka!" Bulyaw ko at hindi na mapigilang mapaluha na naman.

Klein sighed heavily and put his thumb to wipe again my tears.

Tumayo siya at nakita kong napahawak siya sa tagiliran niya. Napapikit siya, dahil siguro sa sakit. Tumayo ako agad at tinulungan siya.

Naupo siya sa kama kaya tumayo naman agad ako. He looked at me lazily.

"Come here." He command.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at pinalapit sa kaniya. He slowly place me on his thigh.

"B-Baka mapano ka," Agap ko. Binaliwala niya iyon at tumitig lang sa akin.

"Did you find a man after me?" He whispered in my ear.

Nagulat ako sa tanong niya. Sobrang lambing ng boses niya at nanlalambot ako roon.

Napalunok ako at umiling. He sighed making me feel nervous more. Nararamdaman ko ang maiinit na hininga niya sa aking leeg.

"I'm really sorry, baby. Sa lahat ng sinabi ko, sa lahat ng ginawa ko sayo." He said huskily.

Hindi ko alam kung ilang beses ba akong napalunok dahil sa posisyon at mga sinasabi niya sa akin.

"I should be the one to say sorry and thank you for all what you've done." Maliit na boses kong sabi.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko lalo na ng inilapit pa niya ang mukha sa aking leeg. Ilang metro nalang at mahahalikan niya na iyon.

"Muntik ka pang mamatay dahil sa akin." Nanginig ang boses ko sa sinabi.

I felt him sighed again.

"Hindi mo man lang inisip ang sarili mo! Paano kung may mangyaring masama sayo!" Ngayon ay naiyak na nga ako.

Hindi niya naman nakikita ang itsura ko dahil nakalebel ang titig niya sa ilong ko.

"I don't care. As long as you're safe, I'm fine..." He whispered that made me shut.

Napailing nalang ako at hindi na kumibo. Tila ang kumakabog na dibdib ko lang ang naririnig ko dahil sa katahimikang namayapa sa aming dalawa.

Bumilis muli ang paghinga ko ng maramdam ang paglapat ng labi niya sa leeg ko. Dahan dahan at maiinit na halik ang iginawad niya sa akin.

Napalunok ako at hindi na namalayan na unti-unti na akong bumibigay sa halik niya. Hinawakan niya ang baywang ko at walang kahirap hirap na iniharap sa kaniya. Nakaupo pa rin siya sa kama habang nakakandong pa rin akong nakaharap sa kaniya.

Napalunok ako at napatingin sa mapupula niyang labi. I stared at it for a moment at inilipat naman ito sa mga mata niya.

Para akong hihimatayin sa mga mata niyang malalalim ang titig sa akin.

"B-Baka mapano ang sugat mo." I akwardly uttered.

He just chuckled and shook his head. Hinawakan niya ng mariin ang baywang ko at sinunggaban ng maiinit na halik.

Tumugon ako roon at mas lumalim pa ang halik niya.

Napahawak ako sa kaniyang leeg ng bumaba ito sa aking panga. Napapikit ako at mahigpit na sinabunutan ang buhok niya gamit ang isang kamay ko.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon