"Relax Cyrene. Ikaw talaga, masyado kang nerb'yosa." Natatawang sabi ni Mia. Umirap ako at padabog na naupo sa sofa.
"Girls, pupuntahan natin si Mr. Lee sa bahay niya. Birthday pala niya ngayon kaya maghanda kayo," Singit ni Miss M.
Sumagot naman ang kasama ko at agad na nagsialisan maliban sa amin ni Mia at Ashey.
"Cy, chill. Baka nasa isang bar lang yun," dagdag pa nito.
Huminga ako ng malalim. "Mia. Hindi mo kasi naintindihan, e. May...may problema yung tao, what if? May gawin siyang ikakapahamak niya? Hindi ko maiwasang mag-alala."
My heart beats so fast. Natataranta ako ng hindi ko alam. Kung may mangyari lang kay Audrey, malalagot itong Zach na ito! Argh. Nakakainis.
"Mahal na mahal mo talaga si Audrey, no?" Biglaan niyang tanong.
Kumunot ang noon ko dahil sa tanong niya. Of course!!
"Oo naman. I super love her. She is my best friend. Kagaya ninyo, kapag nasa sitwasyon rin kayo ni Audrey of course mag-aalala ako."
She smiled at what I said. Tinapik niya ang balikat ko at hinaplos. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.
"Is Audrey missing?" Kuryosong tanong ni Ashey na kakatanggal lang ng earphone.
She is so pretty. I know isa siya sa magiging dahilan ng issue-ng ito pero alam kong wala siyang kasalanan. She didn't know anything.
I shook my head. Bago pa ako makapagsalita ay nagsalita si Mia.
"So, una na kami, Cy? Baka may gagawin ka pa?" She ask me. I smiled and nodded.
"Sige mauna na kayo,"
They nodded. Nilapitan nila ako at isa isang bumeso at yumakap.
"Okay, take care."
Pagkatapos nilang umalis ay mag-isa naman akong naiwan dito sa studio namin. Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ko.
From: Klein
Hi, baby. Where are you?
Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko at nireply-an si Klein.
To: Klein
Sa studio. Sasabay nalang ako kay Audrey mamaya. Huwag ka ng pumunta rito. Okay? I love you.
Ilang sandali pa ay narinig kong tumunog ang cellphone. He is calling.
"Hello..."
"Baby...I miss you," Malambing ngunit malamig na aniya. Hindi ko alam pero parang instant akong nakaramdam ng kilig.
Kinagat ko ang aking labi at hindi alam kung papaano ko siya sasagutin.
I cleared my throat. "A-Ako rin, I...I miss you," I softly whispered.
Hindi siya umimik kaya nagsalita ako muli.
"Uh..Klein, sasabay nalang ako kay Audrey, you know her situation. Kailangan niya ng masasandalan." I bite my lip.
He sighed. "Okay, then. Please drive safely, okay? I love you so much," Paalala niya.
One smile crept in to my lips. Mas lalo akong nahuhulog ng sobra sobra sa kaniya.
"I will. Bye," Pagkasabi ko 'non ay agad kong ibinaba ang tawag. Sobrang lakas ang kabog ng dibdib ko at halos kinakapos na ako ng hininga.
Kahit na fiance ko na siya sobrang lakas pa din ng epekto niya sa akin. Ito yung kinatatakutan ko, e. Yung mahulog ng lubusan sa kaniya. What if bigla niya akong iwan? What if magsawa siya sa akin? Ayokong iwan niya ako. I love him so much!