Chapter Eighteen

679 18 1
                                    

"Merry Christmas, everyone!"

Nasa labas kami ng bahay kung saan kami naghanda para sa Noche Buena kasama ang mga pinsan ko at ang mga kapatid ni Daddy.

Nasa pool area naman ang mga pinsan kong lalaki na puro alak na naman ang hawak, maging ang iba kong pinsang babae.

Me and Via are still in our clothes. Ayokong sumali sa kanila dahil malamig na nga, nagswi-swimming pa talaga ang mga loko loko kong pinsan. Napailing nalang ako.

Nilingon namin si Lola na bihis na bihis talaga. Kaya pala ang tagal niya kanina magbihis.

"We'll eat our food later so boys and girls, magsi-ahon na kayo riyan," Lola called them.

Sumunod naman ang mga pinsan ko at nagbihis nga. Some of them continued grilling our foods.

"Cy, sunod ka na mamaya, pinapatawag na tayo ni grandma." Si Via at tumayo na.

Ngumiti ako at tumango lang. I took a sip on my drink.

I called my family in the Philippines to say my greetings. Ganoon rin kila Kyle at Audrey.

Ngayon naman ay ka-video call ko si Klein.

"I'm outside. Medyo maingay dahil kumpleto lahat ng anak ni grandma," Sambit ko.

"It's okay, I just want to hear your voice." Aniya.
He licked his lower lip.

Ngumiti ako at humikab. He smiled. "Paano na 'yan?" He chuckled.

Umirap ako. "Titiisin ko muna yung antok ko." Tumawa ako. "Pagalitan pa ako ni Grandma."

Nakaputing shirt lang siya at naroon siya sa kaniyang kwarto. Pinag-gagawa nito.

"Klein, bakit ganiyang ayos ka pa?"

Nakita ko ang pagnguso niya at paglaro niya sa kaniyang dila and he became serious again.

"Hey Klein Marcus." I raised my brow up.

He chuckled. "Baby, it's 2 in the morning here." Inayos pa niya ang magulo niyang buhok.

Oo nga pala. Nasa LA ako. I forgot.

Pero, what? It's 2 in the morning? Seriously, Mr. Marcus?

"Edi matulog ka na. It's so early in the morning, kanina magkatext tayo...meaning...hindi ka pa natutulog," Nag-aalala kong sinabi.

He chuckled and sighed. "It's okay, Mrs. Marcus. I can't touch you so I'm willing to risk everything just to be communicated with you,"

Ngumuso ako at umirap. "Treasure your health too, Mr. Marcus." Irap ko uli at sumimangot.

"It's okay baby, all I think is you and only you. Stop worrying," He smiled.

Mas sumimangot ako.

"Cyrene, grandma is calling you, anak." Mommy shouted.

Napalingon ako roon at tumango. "Yes, My. I'm coming," tugon ko.

Bumalik ako sa cellphone ko at kinagat ang labi.

"Klein, tinatawag na kami ni Lola and... matulog ka na rin." Tumawa ako.

"I see that. I want you to enjoy, 'k." Aniya sa matigas na Ingles. Napangisi ako.

"Okay...ibaba ko na..."

"Okay then, I'll just call you again when I wake up. I love you. Merry Christmas." He said huskily.

"Merry Christmas! I love you so much, Klein." Ngiti ko at tinapos na nga ang tawag.

"I want us to take a picture, bueno. Matias kuhanin mo kami ng litrato," Si Lola at agad namang tumayo si Matias. Her driver.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon