Chapter Thirty-One

702 26 26
                                    

Hindi ako makatulog. Hindi ako lumabas pero gustong gusto ng sarili kong lumabas.

Namumugto ang mga mata ko pagkakita sa salamin. I sat and I looked horribly stressed.

Naramdaman kong muli ang maiinit na tubig na dumaloy sa pisngi ko. Pagod na pagod ako para magawang punasan iyon.

I looked at my phone. I'm hoping that he reply to my plenty messages and calls.

Pero wala, kahit isa.

Kinuha ko ang concealer at marahang nilagyan ang namumugtong mata. Nahirapan pa ako sa paglagay ng make up sa mukha ko dahil panay ang daloy ng luha sa pisngi ko.

Yes, I'm going outside to freshen a bit since hindi ako makatulog at naguguluhan pa.

Hindi maayos ang paglagay ko pero wala na akong pakialam. I change my clothes and I'm good. Iinom lang naman ako ng konti para kahit sandali, makalimutan ko ang sakit.

Alas-diyes palang naman ng gabi at sa tingin ko ay maaga pa.

Hindi ko ipinaalam ang nangyari kahit kanino dahil gusto kong ayusin ang lahat.

"Good evening, Ma'am."

Mabilis akong pumasok at naupo kaagad sa isang high chair malapit sa bartender.

I order my drink and I immediately drank it.

I let out a deep sighed and closed my eyes. Nanggilid kaagad ang tubig sa aking mata at agaran iyong pumatak. I wiped it immediately tho.

Ano ba 'to? Hindi ba 'to mauubos?

"Hi, Miss..."

"No. Sorry," I said without looking at the man beside me. Wala siyang sinabi at nakita ko pa ang pag-alis niya sa peripheral vision ko.

Mabilis naubos ang alak na nasa harapan ko kaya humingi ulit ako ng panibago.

Nakakasawa daw akong mahalin. Nakakapagod daw ako. Mas masakit pala kapag nalaman mo ito sa taong mahal mo.

I wanted to keep it to myself that is just a nightmare. Gusto kong magising kung panaginip nga ito dahil sobrang sakit.

Ang lala, e. Hindi ko kaya. Ang lalim ng sugat. Gusto ko ng agarang gamot. Sobrang sakit.

Nakayuko lamang ako habang pinakikingan ang sigawan at tilian sa dance floor.

Pero mas lalo nangingibabaw sa gitna ng ingay ang sinabi ni Klein sa akin. Yung mga masasakit na salitang sinabi niya.

Nakayuko akong umiiyak at humihikbi. Wala akong pakialam kahit pa may naririnig akong nagsasalita sa tabi ko. Pinag-uusapan ako.

"I think you need this,"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang babaeng bartender na inaabot sa akin ang isang panyo.

I smiled and took it.

"Thank you..." Nagulat siya ng makita ang itsura kong umiiyak. Tumayo ako kaya nagtagal ang tingin niya sa akin.

I smiled again. "Powder room,"

Dumiretso na ako sa Powder Room at hindi na inantay ang sasabihin niya.

Hindi rin ako makapaniwala sa itsura ko. Nagkalat ang make-up ko dahil basang basa ang pisngi ko.

Napailing ako at marahang binuksan ang faucet. I wash it and it left me bare faced.

Bumuntong hininga ako.

Nagulat ako ng paglabas ko ay nakita ko si Klein papasok sa Club. Nakatingin rin akin pero naputol lamang iyon dahil may kinausap sa kaniya.

"Hi. I..I went out for a drink. U-Uuwi na rin naman ako," Sambit ko at sinubukang ngumiti ng dumaan siya sa harapan ko.

His Fangirl 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon