Matapos ang ilang araw ay nadischarge na rin si Papa. They advice him to take his medicines everyday. Inuwi na rin namin siya upang makapagpahinga na rin.
"Good afternoon po!"
Nagulat ako sa biglaang pag bisita ni Audrey sa akin.
"Dito ka, Audrey..." Anyaya ni Mama sa kaniya malapit sa sofa.
"Gagawa lang ako ng meryenda ninyo," Dagdag pa ni Mama at dumiretso sa kusina.
Wala ang mga kapatid ko ngayon at abala sila sa mga personal nilang buhay. Si Papa naman ay nasa garden lang namin at nagbabasa yata ng paborito niyang dyaryo.
"Sama ka sakin mamayang gabi..." Usisa kaagad ni Audrey sa akin.
Umirap ako.
"Saan naman?"
She smirked and after a while she pouted.
"Basta, sige na..."
Inirapan ko ulit siya at kumuha ng pagkain na ipinatong ni Mama sa lamesa namin.
"Ngayon lang, e. Ito naman..." Nguso niya sa akin.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin at umiling.
"Hindi ko naman kasama si Zach!" Aniya pa at nakita kong kumuha rin siya ng pagkain niya.
Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya at hindi kumibo.
"So...hindi rin siya pupunta and busy yata yun ngayon." Mahina pa nitong dagdag sa akin.
Tumayo ako at kumuha ng tubig sa refrigerator. Kumuha ako ng pang baso at naupo muli sa kinauupuan kanina.
"Wala akong pakialam kung pupunta o hindi'yang tinutukoy mo." Irap ko sa kaniya.
"Pala! Please, need ko lang ng kausap. Sagot ko naman!" Pagpupumilit niya at ngumuso pa talaga sa harapan ko.
Wala akong nagawa kung hindi pumayag sa magustuhan ni Audrey. Simula noong nauwi si Papa ay hindi na rin ako lumalabas ng bahay.
Wala rin naman akong naiisip magawa sa labas kaya sa loob lang ako ng bahay palagi.
"Cheers my friend!" Tumawa si Audrey at itinaas pa ang shot glass. Tumawa na rin ako at itinaas ang akin.
Idinala niya ako rito sa isang mamahaling lugar na kung saan banda ang tumutugtog. Naupo kami ni Audrey sa isang gilid at pinagmamasdan lang ang mga tumutugtog.
"Sa mga nagrerequest ng next song, lapit lang po kayo rito sa harapan," Ani ng Vocalist matapos ang kinakanta kanina.
"Ako!" Nagulat ako ng nagpataas ng kamay ang bruha. Napatingin sa amin yung bokalista at ngumiti.
Audrey look at me first before she proceeded in front.
Kinuha ko muli ang kopita ko at sumisim roon.
"Your request is my command..." Ngumisi ang bokalista at may sinabi na sa mga kabanda nito.
"There's no reason, there's no rhyme
I found myself blindsided by
A feeling that I've never known
I'm dealing with it on my own..."Narinig ko ang mga taong sumisinghap dahil sa kanta.
Hindi ko pa naibaba ang kopita ko ay tila nagulantang ako sa nakita. Medyo nanlaki ang mata ko at napainom sa gulat.
"Hala, hindi ko alam ito ah! Hindi ko alam na pupunta sila..." Natatarantang sambit ni Audrey ng makalapit sa akin.
Ang buong Delta Force ang narito. Alam kong nakita kami ni Zach dahil malapit lang ang pwesto nila sa amin.