Nagising ako sa tawag ni Klein. Mugtong mugto ang mata ko.
"I'm sorry I didn't saw it." Pagsisinungaling ko.
"It's okay, did I wake you up?" Malambing na sabi niya.
Paos na paos ang boses ko at marahang umiling kahit na hindi niya iyon kita.
"No..I'm already awake then but I didn't stood up yet,"
"You didn't slept in your condo."
I bite my lip.
"Yeah..I..We..I talked to Audrey para doon sa..." Huminto ako saglit at kinalma ang sarili.
"Sa tinext niya so...I had no time to drive enough so...I went home instead,"
He sighed again. "I'll drop by later in your house to get you. I'm driving now to Mr. Lee's quarter. Kukunin ko lang yung gamit ko roon."
Tumikhim ako. "Okay. Drive safely."
"Of course, I'll always make sure I'll be safe for you."
Napangiti ako roon. Bumangon na ako at naligo.
Kumain rin ako saglit para hindi na kami mag drive thru.
Hindi naman sa kuripot ako, when I'm with Klein, hindi 'non hinahayaan na magutom ako but I insist to eat my breakfast.
Sakto naman ang labas ko sa bahay ng dumating siya.
I am smiling when I saw him nearing me.
He immediately wrap his arms on my waist and kissed my forehead.
"Hey...good morning,"
"You wanna come in? Kain ka muna. Nagbreak fast ka na ba?" Tanong ko.
He stare at my eyes for a moment before answering my question.
"I'm done. Kakakain ko lang din kila Mr. Lee. Hindi ka pa nakapag breakfast? I'll eat again if that's what you want. Sasabayan kita."
Umiling ako. "I'm also done."
Magsasalita pa sana ako nang lumabas kay mama.
"Oh! Klein. Kain ka muna? Uh? Paalis na ba kayo? You can grab some breakfast first? Ikaw naman Cyrene, alam mo palang papunta rito si Klein, nauuna kang kumain." Pagsesermon ni mama sa akin.
Klein chuckled beside me. Hawak hawak niya ang susi ng kaniyang sasakyan.
Bumeso si Klein sa kaniya at nagsalita. "I'm done too, tita. Okay lang po."
Tumango si mama at tinapik ang balikat ni Klein.
"Mas lalo kang gumagwapo ha. Baka naman mas lalong dumadami kaagaw ng anak ko niyan. With that kind of face. You are so handsome! Mana ka talaga sa mga magulang mo." Mama said.
Umiling nalang ako at ngumuso. Klein looked at me. He smirked.
"Wala tita. You know, I'm only in love with your daughter. Wala kang dapat ipag-alala, tita." He told my mom with finality.
Napangiti ako at hindi na mapigilan and pagtawa.
I clung at Klein's arm at kinindatan si mama.
"Sa dami na nang pinagdaanan namin, Ma, hindi pa rin kayo naniniwala sa tatag ng relasyon namin? And for the girls na humahanga sa fiance ko, it's all up to them if they go beyond limits, I am satisfied naman na, ako lang babae nito." Halakhak ko.
Inirapan ako ni Mama at tumawa. "Oo na! Oo na. I can't wait for your wedding! Ba't ba kasi ang tagal."
Tumawa kaming lahat at bineso ko nalang muli si Mama. Umalis na kami ni Klein roon ngunit hanggang sa pagsakay namin sa kotse ay hawak niya pa rin yung kamay ko.