I decided to stay a bit in Italy. Sa isang magandang hotel naman ako napadpad sa Rome kung nasaan may dagat.
Audrey went home after weeks. Kyle offered me to stay in his house, even though we're friends, I have still limitations with him. Kasama niya ang girlfriend niya at ayoko naman na pag-isipan niya ng masama ang kaibigan ko.
Dumating na ang pagkain ko makalipas ang ilang sandali. Kaonti lang ang dala kong damit dahil hindu ko rin naman alam na mageextend ako ng bakasyon rito.
Nakakulong lang ako sa kwarto ko at pinagmamasdan ang dagat sa labas. Mamaya nalang siguro ako bababa at maliligo.
I pictured my tan thighs and the view on the window na kitang kita ang dagat. I'm wearing my bikini under my oversized shirt.
I typed some words in my IG Story.
'i love you' with a wave emoticon.
Ilang sandali pa ay nakita kong may notifications sa Twitter ko.
itsviaimperial:
may hindi nagsama, sino kaya @cjimperial?
Napailing ako at maraming komento roon lalo na sa mga dati naming fans.
piamadrid: We miss you ate @cjimperial, ilang taon na nakararaan. Ang ganda ganda niyo po lalo.
corinecorine: Sexy mo sa Story mo ha! Hindi talaga nagsama, @itsviaimperial.
Natawa ako sa pinsan ko at nagtipa rin ng sagot sa kanila.
cjimperial: it's time for myself alone, guguluhin niyo lang ako haha
justintolentinto: Miss you, bunso. Uwi na, hindi na kami galit ni @kenneth.
Maraming nagreply sa kumento ko. Hay naku, iba na naman siguro ang iisipin ng fans. Tatanggalin ko nalang sana iyon pero nakita kong madami ng sagot at for sure, ang nakakita.
Dumungaw ako sa bintana at nakitang mas dumami ang mga tao. Napakaganda pa ng sikat ng araw at puro nakatwo piece ang mga babaeng naroroon.
I left my phone. I just brought my shades and my sunscreen.
Tinanggal ko ang damit ko at naiwan lang akong suot ang dilaw na bikini.
I comb my hair using my fingers at nagpasya ng lumabas.
"Hi, Miss. Are you alone?" Napatingin ako sa isang amerikano na nakaupo lang malapit sa bartender.
"Orange juice, please," I ordered and looked at the American man beside me.
He smirked when I looked at him.
"Does it matter to you?" I said while smirking.
Kinagat niya nag kaniyang pang-ibabang labi at tila pinipigilan ang pagngisi muli sa akin.
"You're hot and beautiful..." He nodded.
I raise my brow at him. I know what he's up to.
"I know. Gotta go. My boyfriend waits for me." I winked.
Nakita kong nagulat siya at nagtaas pa ng kamay sa akin.
Napailing ako at ngumisi.
Kinuha ko ang juice at mabilis na nilisan siya. Everytime na may nakakasalumuha akong lalaki palaging iyon ang linya ko. Wala lang, titigilan ka rin naman nila kalaunan kapag sinabihan mong may boyfriend ka.
Nakita ko pang napatingin sa aking ang iilan ng dumaan ako sa harapan nila.
Thanks to the gym anyway. My body gets slim and yeah, it got an abs too. Ilang week pa naman ako sa gym kaya nagbunga ang pag-gym ko.