"Akala niya siguro ako pa din yung dating Audrey na baliw sa kaniya. No freaking way." Audrey uttered.
Napalingon ako sa kaniya. Kanina pa siya tumatalak na parang ewan.
Tumawa ako. "Bakit na naman?" Kunot noon ngunit natatawang ko pa ring sambit.
Nilingon ko si Klein na kanina pang kausap ang isang businessman. Napakaseryoso niya habang nakikipag-usap. He nodded a bit and the man he was talking with laughs. Nakita ko rin ang pagngisi ni Klein.
Huminga siya ng malalim at umirap. Sinuklay pa nito ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Kanina kasi, he's talking to Ashey. Silang dalawa lang. And timing, kukuha sana ako ng dessert. Nandoon sila, bruha!" Naiinis na pagkukwento niya sa akin.
"Oh? Ano ngayon kinagagalit mo?" Tumawa muli ako.
"Syempre! Nagkatinginan kami kaya kumunot ang noo ko dahil doon. Sa tabi niya ay ang dessert, e kukuha nga ako. Bigla niya akong tinanong kung nakikinig ba ako sa kanila? Like. Yuck." Nanggigigil na aniya.
Umirap siyang muli.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa gawi muli nila. Nakipagkamayan na ngayon si Klein sa isa pang lalaking nakatuxedo. Sobrang kakaiba ang ayos niya ngayon na tila mapagkakamalan mo ring isa siyang businessman. Nakita ko pa ang pagdating ng tatlong modelo. I think they are their daughters.
Klein's eyes bore into me. I know what he meant by that. I smiled at him and slowly nodded.
They take pictures. Yung isa ay nagpasolo picture kay Klein. Sobrang dikit nila sa isa't isa at narinig ko pa ang kanilang panunukso. Nag-iwas ako ng tingin.
"I'm moved on. Tapos na yung kabaliwan ko. Hindi na ako mangangarap na maging ka-love story ko ang love story mo, 'no. Yung mamahalin din ako ng mahal ko pabalik." Aniya at medyo sumeryoso.
Napawi ang aking tawa at kinagat ang aking labi. Bilib talaga ako dito. She's is so strong woman. Kapag nasaktan, titigil na. Hindi na niya ipagpipilitan ang sarili.
"And what did you say?"
"I said I want to get some dessert. And I'm not there to make chismis. Hindi naman ako chismosa!" Irap pa niya.
Napangiti ako at niyakap siya. "Hay. You're so brave." Tumawa ako at tinapik ang balikat niya.
Ngumisi siya sa akin at kinain nga ang kinuha niyang dessert.
Nagpaalam ako saglit kay Audrey at kukunin sana ang nakalimutan kong power bank sa sasakyan.
Pagdating ko sa labas ay agad akong nagtungo sa sasakyan.
I opened the driver's door.
"We're classmate when we're in college." Tumawa ang babae sa kaniyang isinagot.
Nagtilian naman ang kasama niya.
"Oh! So swerte mo naman! Same course ba, Diane?" Usisa naman 'nung isa.
Natigil ako sa paghahanap ng powerbank ko.
"Uh. Kind of. But! Lagi niya naman akong kinakausap!" Aniya.
Tumili muli ang kaibigan niya. "Swerte. Kaya pala noong nagsolo picture kayo, he nodded fastly. May something ba, Diane?" Tumili silang muli.
"Huwag ka ngayong ganiyan. He is already engaged, 'no." She answered them politely.
Narinig ko ang pagsinghap nila dahil sa kaniyang sinabi.
"Malay mo hindi matuloy. O baka maghihiwalay din sila later on." Tumawa ang isa at sinabayan din ng iba pa.