Happy Birthday!
"Congratulations love!"
Nakita ko si Mommy sa gilid ko na may dalang bouquet. Tinanggap ko iyon at niyakap siya.
"Thanks Mom!"
"We are so proud of you. And happy birthday!" Sabi niya habang yakap ako.
I am so happy. Today is my birthday. Kasabay noon ay nalaman kong makaka graduate ako this year! Pagkatapos ng ilang taon na paghihirap ko at pagsusunog ng kilay ay sa wakas! Makakagraduate na ako. But first, kailangan ko munang tapusin ang internship ko. Who knows, maybe kunin ako ng company kung magustuhan nila ang trabaho ko.
"Thank you Mommy! Sa lahat lahat." Sabi ko ng bumitiw na kami sa pagkakayakap namin.
"Let's go? We cannot keep our guests waiting."
Lumabas kami ng kwarto ko ni Mommy. Hinihintay na kami ng mga bisita namin sa garden. Nakasalubong namin si Daddy sa hagdan.
"Oh, kanina pa kayo hinihintay sa baba." Bungad ni Daddy tapos ay bumaling siya sa akin at niyakap ako.
"Happy birthday anak!" Bati niya sa akin.
"Thanks Dad!"
Humakbang kami ni Mommy pababa ng hagdan pero si Daddy naman ay humakbang paakyat.
"Oh? Saan ka pupunta Dad?" Tanong ni Mommy.
"Ito naman, namimiss ako agad. Magbabanyo lang."
Hinampas ng slight ni Mommy si Daddy at tinawanan lang siya nito. Feeling teenagers! Hahaha. Uhm, your youngest just turned 22!
Pero hindi naman ganun ka tanda ang mga parents ko. They were pretty young when they got married. Mom was 24 and Dad was 26.
Kuya Alistair Zeus ang panganay namin. He is an engineer. Just like Daddy. Sumunod sa kanya si kuya Braxton Zane. 2 years lang ang pagitan nila. Tapos si kuya Cairo Zeke. Isang taon lang ang pagitan nila ni kuya Zane. They are both helping Mommy and Daddy manage the businesses. May degree silang dalawa doon. And then there's me, 2 years later. Malalapit ang agwat namin. Kaya naman lumaki kaming close talaga. Dad is an engineer and we have our own business, Marasigan Construction Company. Dad will soon let kuya Zeus lead. Pero after niya muna magpakasal. Kuya is just waiting for ate Ria. Nasa abroad kasi siya at tinatapos pa ang project niya dun. She's an architect. Si Mommy naman ay may fast food chain business.
"Please welcome, our birthday girl Shantel Louisse Marasigan!"
Kasabay ng pagpapakita ko sa mga tao pagkatapos akong i-intro ni kuya Zeus ay ang pagpalakpak ng mga tao. I thought it's just a birthday celebration with family and friends pero mukhang nandito din ang mga business partners ng mga magulang ko.
"Thank you all for coming and celebrating with me! I hope you all have a good time!"
Maikling speech lang dahil ang alam ko ay family and friends lang talaga. No need for a formal speech.
Sinamahan ako ni kuya Zane at kuya Zeke mag ikot ikot sa mga table.
"Happy birthday princess!" Bati sa akin ng dalawa kong kuya at bumeso.
"Thanks mga kuya."
"Pinalagay na namin yung gift namin sayo sa kwarto mo." Kuya Zeke
"Aww. You don't have to." Plastik kong ngiti.
"Sus. Kunwari ka pa. I know you love gifts."
Ngumiti na ako ng totoo sa sinabi ni kuya Zane. It's true. Simula bata kasi ako madalas nila akong regaluhan kahit walang okasyon. Very random. I guess ganun talaga kapag bunso tapos only girl pa.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...