Thirty Nine - Assurance

191 5 2
                                    

Assurance

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Clark pero mas nangingibabaw ang pag aalala niya. Pilit na yumayakap si Belle kay Clark habang ako, nandoon lang, nakatayo.

"Clark! Clark..." ngumangawa pa din si Belle at pinipilit si Clark na tumingin ito sa kanya.

"Ma'am ayos lang po ba kayo? Anong nangyari ma'am?" Si mang Elmer.

Tanging tango lang naisagot ko.

"Clark please come back to me. Please. I'm begging you,"

Saka lang tinignan ni Clark si Belle at inalis ang hawak nito sa kanya.

"Belle please, nag usap na tayo tungkol dito."

"No Clark, no. Inagaw ka lang sa akin ng babaeng yan. Bumalik ka na sa akin please."

Nag aalala ako kay Belle. She's been crying hysterically kanina pa.

May tatlong lalaki at isang babae ang pumasok sa opisina ko, mga naka puti.

"Ma'am sumama na po kayo sa amin." Sabi nung babaeng nakaputi.

"Ayoko! Hindi ako aalis hangga't hindi ko kasama si Clark." Si Belle

Hinawakan siya nung tatlong mga lalaki at umalis ng opisina ko. Sinundan sila ni mang Elmer palabas. Wala pa din akong idea sa mga nangyayari. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya napa upo ako.

Naramdaman ko ang haplos ni Clark sa aking pisngi. I look at him, his eyes are full of concern. Halos maiyak na ako sa kanya. Niyakap niya ako habang hinahaplos ang buhok ko.

"I'm sorry. Are you okay? Did you get hurt?"

Umiling ako. Hindi ko pa din ma proseso sa utak ko ang mga nangyari. Hinarap ako ni Clark.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na pumunta si Belle?"

"Hindi ko din alam. Biglaan na lang siyang pumunta dito. Paano mo nalaman?"

"Sinabi sa akin ng isa mong supervisor. Halika, ihahatid na muna kita sa inyo para makapagpahinga ka."

"Hindi pwede, kailangan kong tapusin ang trabaho."

"You have to rest. Please."

Umiling ako. I'm okay. Kailangan kong tapusin ang trabaho ko.

"This won't do."

Tinawag niya si Gemma na manager ko. Hindi ko marinig ang pinag uusapan nila pero tumango tango si Gemma kay Clark.

"Ma'am tama po si sir, mas mabuti pong magpahinga ka muna. Ako na po ang bahala muna na tatao dito. Magpahinga po kayo ng mabuti. Pasensya na nga po pala na hindi namin agad naagapan ang mga nangyari kanina. Ang sabi po kasi nung babae, kaibigan niyo daw po at pinapunta niyo siya kaso wala naman po akong natatandaan na may bisita po kayo."

Usually, lahat ng mga kailangan kong i-meet, mapa business man o hindi ay sinasabi ko sa kanila so they can show the way to my office dahil medyo hidden ito.

"Okay lang, wala kayong kasalanan. Maraming salamat Gemma."

Tumayo ako at inalalayan naman ako ni Clark dahil sa mga nagkalat na bubog sa opisina. Nagpadala na din si Gemma ng maglilinis doon. Nagbilin na din ako ng mga gagawin para kay Gemma. Hinatid ako ni Clark sa condo niya. It's past lunch time already kaya naman medyo nakaramdam ako ng gutom.

Naupo ako sa couch at tinabihan naman niya ako at niyakap.

"I'm sorry, I'm sorry."

Tanging yun lang ang sinasabi ni Clark.

Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon