Conservative
"Cl-Sir Clark! Uhm, napadaan po kayo?" Tanong ko
Kumalma ka Shantel. Baka mahalata pa ni Oliver.
"Uhm, I just...want to..." he cleared his throat.
"I just want to check on you. You're not replying to my messages."
I looked at Oliver's reaction. Gosh. I know that look!
"Uhm, excuse me." Umalis si Oliver sa kinatatayuan niya at sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa banyo.
"Clark. Baka makahalata si Oliver." Mahina pero may diin ang pagkakasabi ko.
"And so what? Let him know."
"Clark!" Mahina pero may diin pa din.
Tinignan niya ako ng seryoso.
"You don't understand." I said softly.
"Then make me."
Pakiramdam ko galit siya. Iyon ang nakikita ko sa mga mata niya.
"Ano na lang ang magiging reaksyon nila pag nalaman nila iyon? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Na you're dating an intern when you can be with anyone with title and wealth?"
His jaw clenched.
"Who said we're dating?"
What? So all this time...I thought...akala ko, akala ko lang pala? Ang sakit marinig na galing sa kanya yun. Eh tangina, ano pala tong ginagawa namin? Ano pala ito? Ano pala ang meron kami? Clark was my first kiss! Unang halik ko yun. Tapos we're not dating pala? Sa Manila, this is not uncommon. Pero dito? Akala ko, mas matino ang mga lalaki dito kaysa sa Manila. Sa gulat ay hindi ko maitikom ang bibig ko at unti unting yumuko sa kahihiyan.
"I am your boyfriend and you are mine. We're not dating. We are in a relationship now. There's a difference."
Napa angat ako ng tingin. Ano daw sabi niya? Lumapit pa siya lalo, pinunasan ang luha ko sa magkabilang mata. Ni hindi ko na namalayan na tumulo na pala.
"And so what if my girlfriend is an intern? And why would I want to be with someone else with title and wealth? I only want you baby."
Hindi ko na mapigilang umiyak. I'm sure it's just PMS. Emosyonal lang ako lately.
"I'm sorry hindi ako marunong manligaw. I've never felt something like this. I never thought I could feel this way. It's overwhelming sometimes but it's fine as long as it's because of you." Nakayakap siya sa akin. Gusto kong matawa.
Hinampas ko siya sa braso. Dahilan para bumitiw siya at harapin ako.
"Kailan pa naging tayo? Ha?"
"Do you really wanna know?" Tanong niya na para bang naghahamon pa.
"Nung hinalikan mo din ako." Sagot niya.
Bigla na lang din niya akong hinalikan. Okay na sana, kaso...
"Uy teka, nakalimutan na natin si Oliver."
He shook his head and laughed.
"Oliver! Pwede ka ng lumabas!"
Unti unting lumabas ng banyo si Oliver.
"Sorry you have to witness that."
Sabi ni Clark while his hand is in my waist.
"No Sir. Okay lang po sa akin iyon. Sa totoo lang, matagal ko ng napapansin na may iba sa inyong dalawa. At masaya po ako dun lalong lalo na para kay Shantel. She's a great girl."
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...