Sleep over
Nagising kami ng bandang 9am. Tulog na tulog pa yung dalawa at gutom na gutom na ako.
Napatingin ako sa puting kisame. Kulay light gray ang pader. Teka, teal ang kulay ng room ko ha. Ay, oo nga pala, nandito pala ako sa condo sa Tagaytay.
At wala na yung bababa na lang ako para mag almusal. I have to do everything on my own. Dahan dahan akong bumaba ng kama at pumunta ng kitchen. Magluluto ako ng breakfast! This is exciting!
Sunny side up eggs, bacon and sausages. May rice from last night at may bread na din. Nag set up na din ako ng table. Medyo sunog lang ang mga itlog pero edible pa naman. Sana lang sakto lang din ang lasa.
Maya maya pa ay bumukas ang pinto pero sumarado din. Nung dumungaw ako sa may hallway, wala naman tao. Siguro nasa banyo. Maya maya pa ay bumukas ulit ang pintuan.
"Wow. Amoy sunog." Napawi ang ngiti ko sa sinabi ni Lexie pero natawa din ako kasi sunog naman talaga.
"Uy wow. Nagluto ka. That's a start." Jeya
Naupo na kami at nag umpisang kumain.
"Yes. Dapat pala noon ko pa ito noon ginawa. Eh di sana ang galing galing ko na magluto ngayon." Pagmamalaki ko. Punong puno ng confident ha.
"Dapat ipagluto mo kami kapag super galing mo na ha. Nakakapagod na din magluto para sa inyong lahat kapag nag-a-out of town tayo eh."
True enough. Tuwing nag a-out of town kami ang kinukuha namin ay yung luxury room sa hotel kung saan ay may kitchen ito para nakakapag luto kami o kaya ay airbnb para maraming rooms. Ang dami kasi namin kung regular room lang ng hotel ang kukunin. Mostly hanggang 5 guests lang ang pwede per room so others would sneak in para lang magkasama kami sa isang room. I know that's bad pero ang saya kasi kapag magkakasama kami.
After kumain ay pinauna ko na maligo si Lexie dahil siya ang pinaka matagal mag ayos sa amin. Naghugas na ako ng pinggan at sumunod ng maligo pagtapos ni Jeya. Natapos na kami ni Jeya maligo at mag ayos pero itong si Lexie, kakatapos lang mag make up at hintayin pa naming magbihis. See?
Habang hinihintay namin siyang matapos ay nag search kami ng mapupuntahan pa dito. May mga sikat na pasyalan siyempre but we've been here before. College ata yun. Nakapasyal na kami ng squad dito. So naghanap kami nung mga hindi pa namin napuntahan dito like cafes and restau.
Kumain kami sa sikat na Memory Lane. Honestly speaking, sobrang sarap nung sinigang na lechon. I like it super sour na medyo maanghang. I really love that sinigang version!
Pagtapos ay nagpasya kaming magpunta ng Skyranch. Wala pa ito noon nung nagpunta kami dito ng family ko at hindi namin ito napuntahan noong nag out of town kami ng mga kaibigan ko. Maiinggit for sure ang boys.
We took tons of pictures. Bawat rides. Madalas ay sinesend namin iyon sa group chat para lang mainggit talaga sila. Agad agaran naman ang pagtawag ni Ashton. Miss na miss na niya ito. Hahaha!
"Teka babanyo lang ako." Jeya
"Ako rin. Ikaw Shantel?" Lexie
"Hintayin ko na lang kayo dun."
Turo ko sa kanila dun sa may table malapit sa mga food stalls. Nagutom na din ako eh. Nang makapasok na sila dun sa banyo ay nagpunta naman ako sa may tables.
Napatingin ako sa harapan ko. Ano ba yan. Puro couples. Napatingin ako sa paligid. Bakit puro couples?! Pati itong mga kabataang ito couples din? Mas matanda ako sa kanila. Sa tantsa ko ay high school pa lamang sila.
"Huy. Nakasimangot ka dyan?"
Nagulat ako at nasa harapan ko na pala ang dalawa.
"Tara kain tayo. Gutom ako."
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...