2am
"Ohh. Look who's here." Jeyaaaaa! Lagot ka sa akin mamaya.
"Sorry. Kanina pa ba kayo? Uhm guys, si Clark nga pala. Clark, sina J--"
"Okay na. Magkakilala na kami." Sabat ni Clark.
Gosh this is too awkward!
"Ohh. Uhm, kumusta naman byahe niyo?" Tanong ko.
"Luto na ba yan?" Pabulong kong tanong kay Clark ng lumapit ako.
"Oo luto na to. Kain na tayo." Sabi din niya ng medyo pabulong.
Iniwasan ko ang mga tingin ng mga kaibigan ko. Naghain na ako ng mga disposable plates. Naalala ko tuloy nung nasa Canada kami. Nung kasama namin si tita Marife, kapatid ni Mommy. Kapag may party, puro disposable lang ang gamit dahil busy ang mga tao doon. Wala ng oras at energy na maglinis after dahil back to work na naman sila kinabukasan. Unlike dito sa Pinas, may mga kasambahay na tutulong sayo.
"So Clark, nanliligaw ka ba sa kaibigan namin?"
Halos mabilaukan ako. Kakaupo lang naming lahat at yan na agad?
"Titus!" Saway ko sa kanya. Nakakahiya. Pero hindi ko siya masisisi dahil wala siyang alam. Tapos ganun pa yung una nilang pagkikita.
"What? Nagtatanong lang."
"Anyways, anong plano natin tomorrow?" Si Lexie
"Tara picnic tayo. Hindi pa natin nagagawa yon." Jeya
"Oo nga no. Sure! Saan ba maganda?" Ajax
"Pare taga dito ka diba? Saan ba maganda?" Tanong ni Ash kay Clark. Wow, pare talaga huh.
"Sa Picnic grove. Mayroon pang overlooking sa mt. Taal." Sagot naman ni Clark na napansin kong nakaka dalawang rice na siya ha.
"Free ka ba bro? Sama ka." Anyaya ni Wyatt.
"Ayos lang ba?" Tanong ni Clark.
"Oo naman bro." Ajax
"Tapos may Skyranch tayo. Hindi pa natin naeexperience yun eh." Lexie
At humaba pa ang usapan ng gagawin namin bukas. Kailangan magawa namin lahat bukas dahil sadly, uuwi na sila sa Linggo. For sure mamimili pa ng pasalubong ang mga yun at siyempre hindi na sila pwedeng magpagabi dahil sa trabaho kinabukasan.
Isang oras pagtapos naming kumain ay nagpaalam na din si Clark. Maaga pa kaming aalis bukas kasama siya. Nawi-weirduhan pa din ako na makakasama namin bukas ang boss ko. Hindi lang basta boss kundi, CEO. But I guess, wala naman pakialam ang mga kaibigan ko o maski si Clark dahil ako lang naman ang nagtatrabaho under him. I guess I can be friends with him.
"Anong ginagawa ni Clark sa condo mo?" Medyo malakas ang pagtatanong ni Titus kaya napatingin agad ako sa hole ng pintuan ko.
Nakita kong medyo malayo na si Clark at nasa tapat ng elevator. Kahit pa sound proof, mas okay na yung maingat. Baka marinig kami.
"Oo nga girl. Kayo ba?" Jeya
"Mahaba ata pag uusapan natin mamaya ha." Lexie
"Uyy si Shantel may boyfriend na." Ashton
"Ano ba kayo?! Tumigil nga kayo. Magkaibigan lang kami ni Clark. Bakit, kayo ba kapag nagpunta sa bahay ibig sabihin ba, boyfriend ko kayo?" Sige ilusot mo Shantel!
"Magkaiba naman kami ni Clark. Matagal na tayong magkakaibigan tsaka, sa ating lahat, ikaw lang yung single."
Aray ko naman Ajax. Dahan dahan naman oh. Kaibigan mo kaya ako.
BINABASA MO ANG
Loving Clark - Loving Series Part One (Completed)
RomanceSimpleng buhay lang ang meron si Shantel. Buong pamilya at solid na mga kaibigan. Pero simula nang pumasok siya sa Prime Food Corporation, lahat ng simple naging komplikado. Lahat ng maayos ay nagulo ng makilala niya si Clark, ang CEO ng kompanyang...